Pagkatapos namin maglaro sa tom's world, naglakad lakad ulit kami pagkatapos umuwi agad. Nakakapagod na rin kasi dun eh wala na kaming gagawin dun diba? Tsaka medyo nahihiya pa ako ngayon sa kanya. First time ko kaya siyang i-meet tsaka first time kong mag-meet ng boyfriend. Okay lang sana kung sa text lang talaga pero nagkita na kami eh. Kagustuhan naman namin pareho yun.
"Babe, saan ba bahay mo?" Tanong niya sa'kin ng naka-smile.
"Ah basta. Diretso ka lang. Ako na ang bahala kung sasabihin kong liliko ka o hindi. Okay?" Nag-nod naman siya tapos bumalik agad ang tingin ko sa labas. Ayoko siyang pagkatiwalaan na ihahatid niya ako sa bahay ko. Malay ko bang may plano tong iba sa'kin noh.
At nung nakarating na kami sa bahay, bumaba agad ako. Syempre, pinagbuksan niya ako ng pinto. Ewan ko dun pero pinagmumukha niya akong walang kamay para buksan ang pinto at lalabas. Kasi naman po, sanay akong ako ang bumubukas ng pinto. Kahit mayaman ako, di ko kailangan ng mga guards katulad ng ibang mayayan diyan na kailangan pagdating sa bahay, pagbuksan ng pinto. Haay naku.
"Salamat ha." Sabi ko sa kanya.
"Walang anuman. Next time ulit ha." Pagyaya niya..
"Oh sige. Pero dipindi kung may oras pa ako."
"Oh sige. Pasok ka na."
"Ayoko. Gusto kong makita kang umalis." Nahihiyang sabi ko. Akalain mong ang isang Era Jane may hiya pala? Sa kanya lang siguro noh. Pero kapag matagal na, wala na yan noh.
"Di wag na. Pwede mo naman akong tingnan habang nasa loob ka na eh. Sige na, pasok ka na. Baka pag-alis ko, may lalaking lumapit sa'yo at ano pa ang gawin sa'yo." Syempre, siya masusunod eh. Kinilig naman ako dun. Pumasok na ako saka ni-lock yung gate. Tapos hinintay ko siyang pumasok sa loob ng kotse niya at nag-wave sa'kin sabay alis..
Pumasok na ako sa aking mansyon. At pagpasok ko, napanganga ako. OHMYGOD!
"Saan ka galing?" Nakapamewang na tanong niya.
"A-ah, e-eh kuya, hehe, ano sa mall." Nabubulol kong sagot.
"Ba't ka nabubulol? May sakit ka ba?"
"W-wala n-naman po." Naku, ampupu talaga. Bakit ba sa tuwing nakikita ko kuya ko. I mean, kapag naaabutan niya akong late na umuwi, nawawala ang pagiging demonyo ko? Ano bang meron sa kanya na wala ako? Well common sense, lalaki siya, babae ako. At mas lalong kuya ko siya kaya natatakot ako.
"Sino yun?" Ay naman po, lord tulungan niyo po ang isang Era Jane dahil kaharap lang naman niya ang drakulang kuya niya.
"Kaibigan ko po.."
"Kaibigan o boyfriend?" Taas kilay na tanong niya. Naku talaga, kuya mas mataas pa kilay ko kaysa sa'yo.
"Kaibigan nga." Medyo naiiritang sagot ko. Patay ako nito kung mabuko ako.
"Ba't ka naiinis? Tinatanong lang naman kita ah." Tapos lumapit siya sa'kin "Bukas na bukas, kakausapin ko siya kundi patay ka sa'kin." At umalis na siya. Tsaka patay agad? Di ba pwedeng bugbugin muna. Wag naman sana, sayang beauty ko.
At di ko talaga ini-expect na uuwi siya from states. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nandito pero bukas na lang, baka sapakin pa ako eh.
Dumiretso ako sa aking magandang kwarto. Pagkapasok ko, inilipag ko ang aking bag sa aking magandang mesa na colour pink. Arte ko diba? Pagkatapos nun, naghubad ako at naglagay ng towel at dumiretso sa CR para mag-half bath. At habang naliligo ako, biglang tumawag si Jade.
"Oh napatawag ka?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Na-miss kita agad eh."
"Ewan ko sa'yo."
"Totoo nga. Tsaka anong ginagawa mo ngayon?"
"Naliligo ako kaya wag kang disturbo."
"Ahh sorry. Sige mamaya na lang ako tatawag, baka magalit ka na naman eh." Nabigla ako sa sinabi niya. Na naman? Hello, ngayon lang kaya ako nagalit sa kanya. Nevermind. Ayokong mag-isip. Baka magka-wrinkles pa ang maganda kong mukha. :D
Jade's POV
Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at humiga. Kakapagod kasi kanina habang naglalakad kami.. Nahihiya nga ako eh nung una ko siyang makita. Di ko talaga akalain na ganun pala siya kaganda plus magaganda pa mga kaibigan niya. Tsaka di ako playboy noh, sa kanya lang muna ako ngayon.
Bored na bored ako ngayon kasi yung kapatid ko, wala pa dito. Late na naman siyang uuwi. Humanda lang siya sa'kin mamaya. Tatawagan ko lang muna si Era total wala akong ginagawa. Baka humihiga to ngayon.
"Oh napatawag ka?" Tanong niya sa'kin.
"Wala lang. Na-miss kita agad eh." Sweet ko diba? Syempre naman, ang isang katulad ni Jade Hilario, sweet talaga. Lalong lalo na pagdating sa mga manggagamit este mga babae. :)
"Ewan ko sa'yo."
"Totoo nga. Tsaka ano ginagawa ngayon?"
"Naliligo kaya wag kang disturbo." Nabigla na lang ako sa sinabi niya. 9PM naliligo pa siya? Seriously? Mga babae talaga ngayon noh, ang aarte na masyado.
"Ahh sorry. Sige mamaya na lang ako tatawag. Baka magalit ka na naman eh." Joke lang yun. Pabayaan mo siyang mag-isip. :D
Pagkatapos ng pag-uusap namin, bumaba lang muna ako kasi nagbabakasakal akong dumating na ang kapatid ko. Pagbaba ko, saktong sakto na dumating siya. Kaya kaagad ko siyang tinanong.
"Anong oras na?" Tanong ko sa kanya.
"Gosh kuya, di mo alam ang oras? Hinintay mo pa talaga ako para lang tanungin yung time? Myghad, we have our clock here."
"Wag mo kong pilosopohin. Anong oras na?!" Galit na tanong ko kaya bigla siyang tumahimik.
"9 po."
"Diba 8 labas mo? saan ka na naman pumunta, ha?"
"Namasyal lang. Kuya naman eh, pabayaan mo na ako. I'm big enough."
"Yeah I know that. You're big enough and you can protect yourself. Pero pa'no kung may rapis diyan ha? Maproprotectahan mo ba sarili mo? Diba hindi."
"Oo na, sorry na. Di na mauulit."
"Siguraduhin mo yan kapatid ha. Dahil lagot ako kina daddy kung anong mangyari sa'yo."
"Opo kuya." Aakyat na sana ako pero tinanong ko siya ulit.
"Christy."
"Yes kuya?"
"Kumain ka na?"
"A-ah, wala pa po."
"Kumain ka na lang diyan."
"Okay po." Tapos bumalik na ako sa kwarto ko. Pagpasok ko, kinuha ko agad yung phone ko at tiningnan yung picture naming dalawa kanina ni Era. Ang ganda pala niya noh. Di ko talaga lubos maisip na ganito pala siya kaganda. Gusto ko sanang tawagan siya ulit kaso inaantok na ako. Bukas na lang siguro total pupunta naman ako sa bahay nila eh.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Thanks for reading. Hope you like it! Thanks :) :)
BINABASA MO ANG
Mr. Textmate
Teen FictionShe thought, she could find a man who will stand for her even in the text but she's wrong and finally be right..