Maaga akong nagising dahil sa lintek na ingay sa baba... Tahol ng tahol yung aso ni kuya. Pakshet! Kung kailan antok na antok ako, saka naman may dumidisturbo... Bwiset!
Pagbaba ko ng hangdan, may isang taong nakangiti sa'kin na kulang na lang, matunaw ako..
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya....
"Ganun ka ba bumati sa boyfriend mo?" Tanong niya sa'kin. Nilakihan ko na lang siya ng mata. At binigyan ng wag-ka-ngang-maingay look. Mahirap na, baka marining nila daddy. Nag-smile naman siya sa'kin ng nakakaloka pero inirapan ko lang siya..
"Oh anak, kanina pa diyan si Jade. Kaya bilis bilisan mo na. Mahiya ka sa kaibigan mo. Mas maganda pa sa'yo yun.. Hahaha." Ay! Ganun? Well, eh magbakla-baklaan ba ang isang gwapong katulad niya kung di ka mapagkamalang maganda..
Natapos na ang lahat lahat, sumakay na ako sa kotse niya. Pero may mali eh. Kung kanina, masaya siya, ngayon naman, sobrang sungit niya..
"Oh anong nangyari? Kanina, ang saya saya mo tapos ngayon, di ka man lang mamamansin. Hoy!" Diretso pa rin siyang nakatingin sa daan.
"Hoy Jade! Ba't ayaw mong mamansin? Anong problema mo ha?!" Napataas ng kunti ang boses ko.
"See the result? Talagang bakla na ang pagtingin ng mommy mo sa'kin. Tss.."
"Eh ano naman ngayon? Tsaka mabuti nga yun eh. I mean may advantage din yun. Pinatuloy ka nila kahit maaga pa. Ikaw lang ang lalaking nakakapasok sa bahay namin ng ganun ka aga kaya magpasalamat ka."
"Eh yung disadvantage?!" Pagalit na tanong niya. Natahimik naman ako bigla. Well, di ko na kailangang sabihin pa..
Buong biyahe hanggang sa makadating kami ng school ko ay walang imikan.. Talaga bang ganun ka big deal yun para sa isang lalaki? Well, di ko naman siya masisisi eh. In the first place, di ko rin naman gusto yun wh kasi alam ko yun ang magiging resulta nun. Kaya nga diba pinag-isipan ko ng maiigi diba? Pero there's no other way na eh. Kaya yun na lang. Tsaka pwede naman namin mabawi yun wh. AH basta.. BAsta yun na yun. Gets? Hahaha.
Pag-akyat ko, nadatnan ko ang mga bobitang nambwibwiset sa umaga ko.
"Oh, guess who's here. The stupid!" Siya si Aisha. Aisha the crocodile.. Di ko alam ang mga problema ng mga bobitang to. Nakakabwiaet lang! Naglakad ulit ako. Sorry to say, na turn off ata ang pagiging maldita ko today. Why? Because of him.
"Wag mo kaming talikuran. Bastos ka ah.."
"Oh, akala ko kasi sa hangin ka nakikipag-usap. Di naman halata na nakikipag-usap ka sa tao.." Sabay smirk.
"Talaga? Nakakatawa ka naman masyado. Bulag ka ba? Kita mo namang nakatingin ako sa'yo diba?" Sabay taas ng kilay niya..
"Hahaha. gaya nga ng sabi ko kanina, di halata. Tanga ka ba o bingi lang?" Naka-cross arms kong tanong sa kanya. Sasampalin na sana niya ako ng biglang may humawak sa kamay niya na ikinabigla ko.
"Sige subukan mo, malilintikan ka sa'kin." Napa (O.O) na lang ako.. Oh wait, don't tell me...
"May oras ka pa sa'kin Jane." Sabay alis niya.
"Hahaha. Whatever." Sabay talikod sa kanila. Nakakailang hakbang pa lang ako ay biglang may humawak sa kanang kamay ko.
"Oh wait, hey, where are you going?" Tanong niya sa'kin. Humarap naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Malamang, pupunta sa room. tss."
"Walang thank you?" Taas baba ang kilay niya habang tinatanong niya yung tanong na yun.. Tss.
"Well thank you." Sarscastic kong sabi sa kanya sabay talikod ulit.
"Graabe, ang sungit.." Mukhang di na naman niya ako sinundan kaya di na ako lumingon pa para tingnan kong sinundan niya ba talaga ako...

BINABASA MO ANG
Mr. Textmate
Teen FictionShe thought, she could find a man who will stand for her even in the text but she's wrong and finally be right..