Chapter 15: Bahay Kubo

13 0 0
                                    

Hindi ko na pinalipas ang araw ko kahapon dahil excited na ako dahil sa pasukan na naman.. At syempre, makikita ko na naman ang aking dakilang sweet na boyfriend.. Bwahahahaha...

"Ma, pa, alis na po ako." Paalam ko sa kanila habang sila ay kumakain sa lamesa.

"Di mo ba hihintayin ang papa mo?" Tanong ni mama sa'kin.

"Di na po.. Nagmamadali po kasi ako eh." Sabay punit ng isang pirasong sandwich.

"Sige sige. Mukhang nagmamadali ka ata ngayon.. Ingat na, baka pagalitan ka pa ni....." At tumingin siya kay papa.Si papa naman, tumingin sa kanya at tingin sa'kin na parang nagtataka. Tiningnan ko naman si mama ng "maawa-ka-ma-please look".

"Wala.. Hahaha. Sige na, alis, babush!" Syempre di magpapahuli ang aking matamis na kiss.. Haahaha.

First time kong magco-commute ngayon ng kadahilanang wala lang, trip ko lang.. Oh diba? Maiba naman ang buhay. Gusto ko naman maranasan ang makipagsiksikan sa mga tao.. Pasakay na sana ako ng biglang may humablot sa kamay ko.

"Bakit ka magco-commute?" Tanong niya sa'kin.

"Wala. Trip ko lang. Tsaka paki mo ba!" Sabi ko sa kanya.

"Tss. Ayos rin ang trip mo noh. Sakay na." Utos niya sa'kin. Aba-aba, di porkit boyfriend ko siya, di niya ako pwedeng utusan ng ganun ganun lang noh.

"Whatever! Magco-commute ako sa ayaw at sa gusto mo." Matapang na sabi ko sa kanya sabay bawi ng kamay ko. Buti na lang at hindi mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Sasakay ka o hindi?" Tanong niya na parang naiinis na ewan.

"Hindi." Sabay talikod ko sa kanya..

"ERA JANE DE CASTRO!" Pakshet, bakit ba nauso ngayon ang tawagin  ang buong pangalan mo kung galit ang tao sa'yo? Napansin ko namang nagsitinginan ang mga tao sa kanya. Di lang sila, dahil pati na rin ako. Napansin ko naman na inis na inis siya. Ano ba yan, trip kong mag-commute pero di ko magawa dahil sa kumag kong boyfriend! Kainis! Syempre, si ako, ayoko ng eksena sa ganitong lagay, sumakay na lang sa magara niyang kotse.. Tapos agad agad naman siyang sumunod at nagsimula nasiyang mag-drive.

Walang may umiimik habang nasa biyahe kami.. Napansin ko namang hindi kami papunta sa school dahil ibang daan ang dinaanan niya pero di ko yun pinansin. Siguro may surprise siya or what... Pero ang aga aga, binibwiset niya ako.. Nakakainis lang.

Kinuha ko na lang yung Samsung Galaxy S4 ko at headset ko at sinalpak sa tenga ko at nakinig na lang sa music. Mukhang malayo ang pupuntahan namin. Almost 2 and a half hours na kaming nasa biyahe eh.. Makatulog na nga lang...

When I woke up, napansin kong hindi na umaandar yung kotse niya at wala siya sa upuan niya kaya naman bigla na lang akong napaayos ng upo. Pinagmasdan ko naman yung paligid, walang tao, walang bahay. daan lang talaga siya. Chineck ko naman yung time, 12:30 na. Gutom na ako.. Haaiixt!

Itetext ko na sana siya ng mapansin kong nasa upuan lang niya yung phone niya. The heck Jade!

Hindi lang muna ako nag-try bumaba dahil natatakot ako. Baka kung anong mangyari sa'kin. DUH! Di ko lang alam may taong naghihintay diyan sa labas tapos paglumabas ako, baka ano pang gawin sa'kin.

Kukunin ko na sana yung phone niya ng biglang parang bumagsak yung kotse niya. Teka, ano yun? OHEMGEE!!! Don't tell me, kinuha yung tires ng kotse niya? O dikaya, may nilagay na ewan tapos... tapos.... sasabog? Tange! Bumagsak nga lang diba? Tanga lang teh? Ano ba yan, may tama na siguro ako. Kinakausap ko na sarili ko! >_<

Mr. TextmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon