Nagising ako nung tinapik tapik ni kuya yung mukha ko. At yung ayaw ko pa naman sa lahat ay yung nadidisturbo yung magandang tulog ko lalong lalo na kapag maganda ang panaginip ko. Tsk.
"Ano ba kasi!" Naiiritang tanong ko sa kanya sabay kamot ng ulo ko kaya nagmukha ako tikbalang. Pero infairness ha, ngayon ko lang nalaman na may magandang tikbalang pala. At ako yun. :D :D
"Punta tayo ng mall, dali!"
"Anong gagawin natin dun?" Tanong ko sa kanya ng nakasimangot kaya bigla niyang pinindot yung ilong ko.
"Wag ka ngang sumimangot. Nagiging pangit ka." Tapos tumawa siya. Wow kuya ha, kung makapanlait naman to. Maganda kaya ako noh.
"Kuya are you okay?"
"Yes. Why?"
"I mean, ikaw ba yan?"
"Hindi. Sa tingin mo? Tsaka bumuhat ka na at maligo. Punta tayo ng mall kasi bibili tayo ng mga handa."
"Like DUH, bibili ng mga handa. MGA talaga ha? Wala naman tayong bisita ah.."
"Eh bakit, tayo di pa kakain?"
"Hmmp, kakain."
"Eh yun naman pala eh. Tsaka anong akala mo sa mga kaibigan mo, di mo mga bisita?"
"Hindi mga bisita yun. BWISETA yun." At tumawa siya.
"Ikaw talaga, parang di mo kaibigan yun."
"Ewan ko sa'yo. Gusto mo naman kasi may lumalandi sa'yo."
"Kapatid hanggang ngayon ba, nagseselos ka pa din dun?"
"Hindi ako nagseselos. Naiirita lang ako."
"Hahaha. Bilisan mo na lang. Okay?" Tapos umalis na siya ng kwarto ko. Tiningnan ko ang oras, ala una palang ng hapon. Naku naman, ang init kaya. Pero okay lang, nasa mall naman kami kaya hindi mainit dun. Basta, wag lang kami mamalengke. Mainit kaya. Di naman sa maarte ako pero okay lang sana kung mga 5 na. Di naman ako katulad ng ibang mayaman diyan na ang arte tuwing namamalengke..
Pagkatapos ng lahat sa katawan ko, nagbihis at nag-ayos agad ako kasi si kuya, parang inis na ewan. May ime-meet ata kasi masyadong nagmamadali.
"Kuya bakit ba masyadong kang nagmamadali? May ime-meet ka noh?" At iniinsulto ko pa siya.
"Siguro, babae mo yan noh?"
"Di ah."
"Eh ba't ka nagmamadali?"
"Wala lang.."
"Asus. Ewan ko sayo. Kilala kita kuya. Tsaka di mo ugaling manggising para lang mag-grocery sa mall.. :P" Oo may dila effect pa ako. Kung nakita niyo lang sana mukha ni kuya habang dinilaan ko siya, naku, sarap batukan ng tinapay.
Umalis na kami sa bahay at papunta na kami ngayon sa Robinsons ulit. Gusto ko sa MOA pero ayaw niya. Dun lang daw kami sa Rob. Hahaha, talagang may ime-meet siya.
Pagdating namin sa Rob, dumiretso agad kami sa supermarket. Kuha doon, kuha dito.. Kahit ano lang ang kinukuha namin ni kuya na masarap ihain. Pero halos lahat, mahal kaya siguraduhing aabot to ng ilan. Naku naman kuya, save money. Maraming nagugutom.
BINABASA MO ANG
Mr. Textmate
Teen FictionShe thought, she could find a man who will stand for her even in the text but she's wrong and finally be right..