Makalipas ang ilang oras, pumasok na yung pangit naming teacher..
"Okay class, get your......." Napatingin kami bigla sa pintuan dahil sa may biglang pumasok..
"Drake, you're late." Sabi ng ugly teacher.
"Halata naman diba? Duh!"-Student 1
"Jane, si Jade.." Pahingal hingal niyang sabi. "Nasa ospital.." Kaagad naman akong napatayo at bumaba agad...
-
Para akong tanga dito, nakatunganga sa mukha niya.. Allergy lang diba? Pero bakit ospital ang bagsak?
"Kumain ka nga muna.. Lunch na oh.." Sabi ni Drake.
"Parang hindi didiretso yung pagkain sa lalamunan ko..." Mahinahong sabi ko..
"Nu ka ba. Hindi naman na disgrasya yang boyfriend mo. Allergy lang... Allerging malala.."
"akala, nagjo-joke lang siya nung araw na yun.." Lumapit siya sa'kin saka inagbayan ako..
"Kumain ka. Kahit kunti.. Sayang naman tong inorder ko sa jollibee..." Tiningnan ko siya. Nginitian niya lang ako..
"Maya na.."
"Ngayon na.. May sundae ako oh.. Matutunaw na.." Kinuha niya yung sundae saka inabot ito sa'kin.. "kahit ito lang.." Kinuha ko ito.
"Salamat.." Sabi ko.
"Sige, uwi muna ako.. Ikaw na lang yung bahala sa kanya.. Text mo nalang ako kung kailangan mo ko...." saka kinuha niya yung bag niya.
"Bye.." Matamlay kong sabi..
"Bye.." Saka niya sinirado yung pintuan.
1......2......3......4.. Empakta... apat na oras na akong naghihintay pero wala, wala pa rin...
Jade's POV
I felt her lips. I felt his hand. I heard her crying..
"babe naman eh, sorry na. *sniff* Di ko naman sinasadya yun eh... Akala ko kasi, nagjo-joke lang.. *sniff*..." Kanina pa ako gising.. Kanina pa.. Pinapakinggan ko lang siya.. Nakakatuwa,.... Bakit? Halik dito, halik doon. ^_^
Narinig kong may nagbukas ng pintuan...
"Tito..." Si dad...
"Kamusta na siya?" Tanong ni dad.
"Okay lang po siya.."
"Ahh. Oh, ito, kumain ka muna.." Dahan dahan kong binuksan yung kabilang mata ko.. DI KO MAKITA..
"Sige po tito... salamat.." Naramdaman ko namang may tumabi sa'kin...
"Alam mo dati, di ko alam kung ano yung gagawin ko nung mga panahong nagkasakit siya... Ewan ko nga ba kung bakit, kahit simpleng sakit lang, kailangan namin siyang itakbo papunta dito.. Masakit bilang ama na makita ang anak niyang nagdudusa.. "
"Tito, ano pa po ba yung mga allergy niya?"
"Talong, hipon, biogesic, pusa.."
"B-biogesic?"
"Haha. Oo.. Kaya nung bata to, nahihirapan kami ng mommy niya pag may lagnat.." Tapos hinawakan niya yung noo ko.. "Ingatan mo to ha.."
"Opo tito, makakaasa.."
"Alam mo, natuwa ako nung mga araw na nalaman kong inlove na ulit siya... Eh ito kasing anak ko, madaling mahulog yung loob.. Kahit sa text lang... May isang araw nun na narinig ko siyang umiiyak.. Tinatanong ko siya kung bakit pero ayaw niyang sumagot.. Tapos nalaman ko na lang na dun pala sa babaeng nakatext niya...Para siyang baliw nung mga panahong iyon..' SHUT UP DAD!
"G-ganun po ba?"
"Okay ka lang?"
"Okay lang po.."
'Teka teka, sige, aalis muna ako... May lakad pala ako nun.. "
"Sige po tito, magingat po kayo.." Tapos narinig kong sumira na yung pinto. Maya na.. Para tense.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Short chapter for today... :)
BINABASA MO ANG
Mr. Textmate
Roman pour AdolescentsShe thought, she could find a man who will stand for her even in the text but she's wrong and finally be right..