Chapter 12: Happy

13 0 0
                                        

Pagkabukas ng umaga, nagising ako ng 5:45. So early. Pinilit kong matulog ulit pero wala ng effect. Siguro, epekto to sa sinabi ni Jade kagabi.. Psssh!

Bumuhat na ako at kumain tapos naligo and then ready for school... Tinext ko si Jade na wag na lang niya akong sunduin kas nagmamadali ako.

Nung nakarating na ako sa school, dumiretso ako sa CR. Nahihilo ata ako eh...

Matapos ang kadramahan ko, dumiretso na ako sa room. Umupo lang muna ako dun kasi parang hindi maganda ang pakiramdam ko. Kanina, hindi naman ganito pero parang patagal ng patagal, lalong sumasakit ang ulo ko...

Nung may tumapik sa braso ko, di ko siya pinansin pero alam kong isa kina Shane or Ashley.

"Oy, girl, are you okay?" - Ashley

"Hindi eh. Masakit ang ulo ko.."

"Let's go to clinic." Tiningnan ko ang time, 7:30 na. Saktong sakto at open na yung clinic. Habang naglalakad kami papunta dun, bigla na lang akong nahimatay. At di ko na alam kung ano pa ang nangyari.

Jade's POV

Nung nagising ako, nabasa ko agad yung text ni babes na hindi na lang siya magpapasundo.. Alam niyo naman kung sino ang tinutukoy kung babes diba? Sayang pa naman, excited pa naman akong makasabay siya kasi lumipat na ako ng school eh. And guess what kung saan? syempre, sa school nila.. Hehe.. Mabuti nga yun eh para mabantayan ko siya dun...

Nung nakarating ako sa school nila, maraming nakatingin sa'kin. Sinigurado ko naman na bago ako lumabas ng kotse ko, walang dumi ang mukha ko. Baka nasobrahan lang sa pagpapa-pogi.. :)

Nung dumating na ako sa isang corner, nakita ko si Ashley, yung kaibigan niya. Tapos yung kasama niya, si...

"JANE!" Sigaw ko at tumakbo agad ako sa kanila.. Binuhat ko siya at nagpaturo kung nasan ang clinic. Ano ba to, first day of school ko dito sa school nila tapos ito yung naabutan ko... psssh!

Nung nilapag ko na siya sa kama ng clinic, pinalabas muna kami ng doctor. Oobserbaran pa daw siya kung anong cause.

30 minutes na akong naghihintay dito sa labas. Para akong ewan dito! Ano ba to, bakit ganito pa ang nangyari? May sakit ba siya? Eh kagabi nga, okay na okay palang siya eh. Maganda naman ang pakiramdam niya habang namamasyal kami..

Maya maya at lumabas na yung doctor tapos pinapasok ako. Nilapitan ko naman agad si Jane tapos pinagmasdan. Gising na siya eh.

"Jane babes, anong nangyari sa'yo?" Tanong ko sa kanya. She just give me a weird smile... Nilapitan ko siya tapos pinakiramdaman yung noo niya kung may lagnat ba o wala.

"Wala akong lagnat. Ano ka ba." She look so sad.

"Ba't ang lungkot mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala.. Pero teka, ba't andito ka?"

"Wala lang.. Pwede ka na bang lumabas?"

"Wait, wala ka bang pasok?" Tanong na naman niya..

"Meron pero mas importante ka sa'kin ngayon."

Mr. TextmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon