Chapter 4: My Prince

37 0 0
                                        

Pagkatapos ng pag-uusap nila kuya kanina, nagpasya siya na lumabas lang muna kaming dalawa kasi na-miss daw niya ako ng sobra. (Chos) Kaya ayun, magmo-mall ulit kaming dalawa. Syempre, sumama lang muna ang mga kaibigan ko. Si Jade? Ayun, pinauwi langmuna ni kuya. Kawawa naman. Eh syempre, siya ang masusunod kaya zip ako kanina. Bata lang ang peg? Zip your mouth? Oo naging bata talaga ako ulit kung si kuya ang kasama ko kasi naman po, magkameron ka ba na ubod ng ka-sweetan na kung umasta parang boyfriend mo? Haay naku, kailangan nalang, lahat ng gagawin ko, titingnan niya. And ito pa ang nakakainis sa kanya. Imbis na magsusu-ot ako ng shorts dahil yun ang bumabagay sa damit ko, pinagbawalan niya ako. Bakit daw? Kasi maraming lalaking you know na. Kuya dahil kahit kailan, ang sensitive sa'kin. Palibhasa ako lang kasi ang babae niyang kapatid. Well, dalawa lang talaga kami actually. Pero sana naman, ako na lang ang naging mas matanda sa kanya para magagawa ko ang gusto ko. Pero okay na to, atleast, alam kong safe ako pagkasama ko ang aking prince. Uulitin ko, ANG AKING PRINCE.

Nandito kami ngayon sa Robinsons. Siya daw ang bahala sa mga gagastusin ko. Treat niya eh. Pero ito na daw yung gift niya sa'kin. Okay lang, magastos kaya ang isang Era Jane kung mag-mall.

"Girl, punta tayo mamaya sa movieworld ha. Manood tayo ng sine." Pagyaya ni Ashley.

"At ano naman ang papanoorin natin dun?" Pagtatakang tanong ko.

"Romance."

"Bakit, may lovelife ka na ba?" Mataray na tanong ko. ~_-

"Meron." At kinikilig pa siya.

"Sino?" Tanong ni Shane.

"Kuya niya." Tapos lumapit siya kay kuya at hinug. Si kuya naman, inagbayan niya si Ashley. Naku, umaandar na naman ang pagiging flirt ng babaeng to. Tinarayan ko lang naman siya at sabay sabi "excuse me? Nagkakamali ka ata ng nilalandi mo? Kuya ko yan girl kaya beware." Siya naman, parang "okay." Tapos sabay sabi "nilalambing ko nga lang kuya mo eh." Di na ako sumagot at kaagad kong hinawakan yung kamay ng kuya ko at naglakad lakad ulit.. Well no offense, maganda naman talaga kaibigan ko eh kaya di ko masisisi kung magustuhan ni kuya si Ashley pero wag naman sana. Ayokong masaktan ang kuya ko at MAS ayokong makasakit ng kaibigan.

Dumiretso lang muna kami sa food court, kain muna kami dun. Ayoko sa jollibee, next time na lang ulit.

"Kapatid ano gusto mo?" Tanong ni kuya sa'kin.

"Alam mo na kuya. Kaya wag mo na akong tanungin."

"Eh kayo mga girls?" Nakita ko namang kaagad nagblink blink ng mata si Ashley kaya inupakan ko.

"Tinatanong ka ng kuya ko kung ano ang gusto mo, di yung magpa-cute." Sumimangot naman ang mukha niya kaya napatawa ng malakas si Shane.

"Hahahaha. Yan kasi, palibhasa wala pang boyfriend kaya nilalandi yung sariling kapatid ng kaibigan niya. Tanggapin mo na talaga girl na wala kang pag-asa kay kuya Ian kasi sa kapatid palang niya, wala ka na." Tumingin naman sa'kin si Ashley at nakapantaas kilay ako. Gusto kong tumawa pero wag na lang.

"Sige na nga. Ano lang po, ayiiiiee, yung chopsuey lang tapos chicken." At may pakilig kilig effect pa. Haay naku, ayokong magka-wrinkles kakaisip sa babaeng to.

"Sa akin naman, ano lang, chicken lang." Buti pa si Shane, wala lang. Pero may napapansin akong kakaiba sa kanya ngayon eh. Siguro di lang talaga mapansin ni Ashley kasi masyado siyang focus sa kuya ko eh kaya pabayaan na lang. Bukas ko na lang siya tatanungin. Baka may pinagdadaanan ang tao eh di lang masabi kasi parang kanina pa siya wala sa mood eh. Ano ba to? Mga kaibigan ko ba talaga to? Kasi puro problema lang ang dala nila sa'kin ngayon eh sa tuwing magkakasama kami, sila ang nagpapawala ng stress ko hindi yung sila mismo ang nagbibigay ng problema sa'kin.. Tsk.

Mr. TextmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon