Nagising ang maganda kong panaginip dahil sa ukmang kapatid ko. Alam mo yung feeling na ang ganda ganda ng panaginip mo tapos madidisturbo ka lang dahil sa gusto ka niyang pasamahin sa paglalandi niya? Burichi! Walang hiyang kuya. Kainis.
"Kapatid, gising ka na. Sige na." Nakahiga lang naman ako dito habang niyoyogyuog niya ako na parang may lindol.
"Kapatid naman eh. Oy, sige na. Samahan mo akong mag-mall." Haaixt! ISang yugyog, mawawala ang pagiging mabait ko ngayon.
"Kaptid naman eh. Oy, Princess, sige na, bumangon......"
"Ano ba kuya! Maganda ang tulog ko tapos gigisingin mo ko para lang samahan kita sa mall?! Anong klase kang kapatid! Inaantok pa ako! Kakainis naman eh. Maganda ang panaginip ko tapos gigisingin mo lang ako para sa walang hiyang rason mo!" Di ko na napigilan at napasigaw ako tsaka binato ko sa kanya ang unan ko. Eh ikaw ba naman kasi, nananaginip ka na nagki-kiss kayo ng boyfriend mo tapos you feel the scene? Ang landi ko diba? Hahaha.. Di pa nga nangyari sa reality, inunahan ako ni future dream eh.. Ahahaha
"Sorry naman kasi. Samahan mo na ako." Tiningnan ko siya ng devil look ko pero no effect. Kasi sa pagkaka-alam ko, mas demonyo po tong kuya ko kaysa sa'kin. Level 3 siya, ako level 2 and a half.. Di ko pa siya kayang ma-reach. Pero malapit na..
"Sino ba kasi yan?" Tanong ko sa kanya ng nakasimangot.
"Gilfriend ko." Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Pambihirang bata to, may girlfriend na pala. Ba't ngayon niya lang sinabi? Achuchu, inunahan ako ng tadhana.. XD
"Girlfriend mo? Sure ka?" Nakataas kilay kong tanong.
"Oo nga. Kaya samahan mo ko."
"Ba't naman kita sasamahan, aber?"
"Diba sabi mo, gusto mong dumaan sa'yo yung girlfriend ko? Kaya ito na nga oh." Medyo natauhan naman ako sa sinabi niya. Talaga bang kuya ko to? Oh baka naman ginayuma ng kaibigan ko para maging ganito?Kaagad naman akong naghanda para sa meet-the-girlfriend-of-my-bro. At nung natapos na ako, natapos na rin ang kapatid ko kaya dumiretso agad kami sa mall.
Pagdating namin dun, dumiretso naman agad kami kung saan sila magkikita. Ang weird eh, bakit sa food court pa? Gutom ba silang dalawa pareho? Maya maya, dumating na siya. Hinug niya si kuya at hinug naman pabalik ni kuya si girl. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Well aaminin kong maganda ang skin niya. Di ko pa nahahawakan pero masasabi kong soft skin ang meron siya. Alagang lotion, halata. Tiningnan ko naman yung damit niya. Okay lang naman. Naka-short tapos t-shirt. Tiningnan ko naman yung mukha, yung lips, hmm kissable lips ang meron siya. Yung mata naman, may pagka-singkit. Half siguro to. Tapos yung ilong, ang tangos. Oh well, girl ikaw na, pero MAS MAGANDA pa rin ako sa'yo. BWahahaha
"Joanna, meet Era Jane, kapatid ko. Era, meet Joanna, girlfriend ko." Naka-smile na pagpapakilala ni kuya sa'ming dalawa. Nag-shake hands naman kami pareho. Gumaganda siya infairness kung naka-smile. Di naman sa natotomboy ako, pero maganda lang talaga siya. Kumain muna kami kasi balita ko, si girl ay from states pa. Di ba siya nahilo o inaantok? Seriously? At balita ko, pilipino din siya. Pinagtagpo nga naman. Sa dinami dami ng amerikana sa labas, pilipino pa ang naging girlfriend ng kapatid ko.. Tinawagan ko naman ang mga kaibigan ko para pumunta dito dahil for sure, mao-OP ako dito sa dalawang to. But sad to say, di sila free. Mga busy. Ewan ko ba kung ano ang kinabibisihan nila na pinagpalit nila ako dun. Tatawagan ko naman si Jade at nagbabakasakali lang akong free siya.
BINABASA MO ANG
Mr. Textmate
Novela JuvenilShe thought, she could find a man who will stand for her even in the text but she's wrong and finally be right..