Chapter 18: Wednesday

13 0 0
                                    

Pagkagising ko, nag-inat inat agad ako at lumabas sa terace ng aking kwarto at fineel ang matamis na simoy ng hangin.... Syempre, di pa ako maliligo noh. It's still 6:00 AM at mamaya pang alas otso ang pasok ko. Madali lang naman bumiyahe papunta sa school eh...

Habang nage-exercise ako, bigla na lang may tumawag. Tiningnan ko naman agad pero ibang numero ang umapear sa screen.

"Hello?"

"Hi.." Unfamiliar,

"Who are you?" Tanong ko sa tumawag.

"Did you forget me already?" Tanong niya.

"The heck! Do I know you?" Mataray na tanong ko. Ang aga aga, nanbwi-bwiset.

"Yeah, you know me. That's why I said if you forget me already."

"Yah! Speak up your name!" At biglang nag-end call.. Pakshet siya ha.. Sino kaya yun?

Babalik na sana ako sa page-exercise ng biglang may kumatok sa pintuan ko.

"anak, nandito si Jade." Sigaw ni mama.

"Sige po. Bababa na lang po ako." At nagbihis naman agad ako ng damit..  Diretso naman sa sala dahil alam ko namang dun siya magtatambay.

Pagdating ko dun, oh, he look so handsome so much na wala ng may makakalamang. Pormadong pormado ang dating..

"Oh, ba't ka nandito?" Tanong ko sa kanya habang naka-cross arm.

"Ang aga aga, umiinit na naman ang ulo mo. Yung totoo, may monthly period ka ba parati?"

"Ako? Seryoso? Wala! Tsaka anong ginagawa mo dito?"

"Ganun ka ba bumati sa boyfriend slash magiging daddy ng anak mo?" Bigla namang napataas ang kilay ko.

"Excuse me? Anong sinasabi mo? Magiging daddy ng anak ko? Bakit, sa tingin mo buntis ako?" Tanong ko sa kanya. at this time, nakapamewang na ako.

"Oo. Tingnan mo nga, para kang naglilihi. Tss... Tsaka bakit ang aga-aga, pawis na pawis ka? Diba ganyan naman ang mga buntis? Kahit malamig na, mainit pa rin sa kanila."

"Like DUH, nag-exercise ako kaya ganun."

"Ahh." At bumalik sa sa pagkakaupo. "Di ka pa maliligo?" Tanong niya.

"Papatayin mo ba ako? Kita mo namang pawis na pawis pa ako diba? MAlamang, papatuyuin ko muna bago ako maligo.." at inirapan ko na siya. Haaaay kapagod siya ha.. Bumalik ako sa kama ko at umupo.. Haaay... Maya maya, bumukas ang pintuan ko. as I expected, it's him. Lumapit naman agad siya sa'kin saka tinabihan ako sa kama.

"May problema ba?" Sabay hawak niya sa kamay ko.

"Wala."

"Eh bakit parang nabagsakan ka ng utang diyan?"

"Wala. Ewan ko.."

"Tss.. Alam mo, dapat di mo pinoproblema masyado yung mga problema mo. Take it easy but work harder. Okay?" I just nodded at him then he hold my hands.

"I'm just here, remember that." At tumayo na siya. At isa lang ang ibig sabihin nun, MALIGO NA AKO..

-

Mr. TextmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon