One

101K 1.6K 21
                                    



Pabagsak na umupo si Adie sa visitor's couch sa office ng kuya niyang si Adrian. Ang kuya niya na ngayon ang acting CEO sa Manufacturing Company ng pamilya nila.

"Problem,princess?" baling sakanya ng kuya niya na ngayon ay katapat niya na sa upuan.

Dalawa lang silang magkapatid ng kuya Adrian niya at nag-iisang babae siya sa pamilya, they all treated her like a princess. Kahit na twenty-four years old na siya, still they see her as their little princess. Minsan pabor sakanya, but most of the times she's getting tired of it.

"Wala kuya, medyo badtrip lang."

"Work?"

"Yeah..work." at napabuntong-hininga siya ng malalim.

"Is Alex giving you a hard time?"

"No! No kuya. Ate Alex takes care of me. Tsaka ano ka ba, alam ko naman na sakanya ka kakampi parin ano, kahit pa magsumbong pa ako sa'yo." She rolled her eyes at her Kuya Adrian.

Tumawa lang ang kuya niya at ginulo ang buhok niya tsaka ito umupo sa tabi niya at inakbayan siya.

"Hindi ah. I love you both equally."

"Talaga? Kahit na ikakasal ka na in two weeks?"

"Talagang-talaga. Halika nga rito! Naglalambing ang prinsesa ko." hinila siya ng kuya Adrian niya para yakapin ng mahigpit.

Ah, she really loves his kuya Adrian.

Ito ang knight in shining armor niya sa mga umaaway sakanya nung highschool pa siya. Ito din ang taga-alis ng mga makukulit niyang manliligaw nung college. Ito rin ang unang sumuporta sakanya sa pangarap niyang maging journalist.

Her parents wanted her to be more like his kuya. Pero ayaw niya, sinalungat niya ang gusto ng mga ito at itinuloy ang totoong gusto. At ang kuya niya ang sumuporta at nagtanggol sakanya sa kanilang magulang hanggang sa unti-unting natanggap na ng mama at papa nila ang pinili niyang larangan. She helps in their business kapag kinakailangan pero minsan lang talaga iyon kapag kailangan lang.

And now, that her kuya will tie the knots with Ate Alex in two weeks, feeling niya mababawasan na ang time sakanya ng knight in shining armor niya. Pero honestly, she's happy that her kuya will settle down. Lalo na kay Ate Alex, they are made to be together.

"So, tell me..ano'ng problema ng princess ko? Baka makatulong si kuya." malambing na tanong sa kanya ng kuya niya.

Huminga ng malalim si Adie bago nag-open up sa kuya niya. "Remember the press conference that I was dying to attend?"

"The one in New York?" tanong sakanya ng kuya niya.

"Bingo! Well, ate Alex will let me attend it but in one condition."




Hindi nagsasalita ang kuya niya kaya naman ipinagpatuloy niya ang sinasabi niya. "..She wants me to get a scoop of this certain man. I don't know, pero gusto niyang interviewhin ko itong taong ito."




"Is that a big deal?" nakayukong tanong sakanya ng kuya niya.

"Yes kuya! God, hindi ako isang showbiz reporter na kukuha ng scoop sa isang sikat na tao! I'm a literary writer! Stories and poems are my forte. I also go for documentaries, but not this! Feeling ko tuloy, dina-downgrade ako ni ate Alex." malungkot na sabi niya.




For a moment, her kuya kept silent that catches Adie's attention. Oh no! Hindi maganda ito! Nanlaki ang mga mata ni Adie at tinignan ang kuya niya with disbelief.



"Oh my God! Kuya, don't tell me you knew about this?" she is on the verge of crying.

"Princess, I'm sorry. Pero hindi naman iyon ang gustong iparating sa'yo ni Alex." apologetic na sabi ni Adrian.


"Then what?! Ano kuya?"




Pero bago makapagsalita pa ang kuya niya ay pumasok na si Alex sa opisina ng kuya niya. Tumayo si Adrian at sinalubong ang fiancé. Tapos tinignan siya ng ate Alex niya. Iniwasan niya ng tingin ito.

Ang totoo niyan nagtatampo talaga siya sa ate Alex niya. How could she let this happen to her? Adie was in her position right now without any help from others. Sinikap niyang marating ang posisyon niya sa publishing company ng pamilya ng ate Alex niya. And now she's at the top, tapos bigla-bigla nalang siya nitong i-a-assign sa isang project that she has no interest at all? Isa pa, itinaya niya pa ang pagpunta sa New York. Oo at pumayag na siya, pero wala siyang choice. Tapos kasabwat pa nito ang kuya niya. Paanong hindi siya magtatampo?

Narinig ni Adie si Alex na huminga ng malalim at umupo sa tapat niya. "Adie.."

"I know ate Alex, I have no choice. Don't worry hindi naman ako magba-back-out. I'm just here para sana maglabas ng hinaing but apparently, kasabwat mo pala si kuya." she threw dagger looks at her kuya na ngayon ay visible ang guilt sa mga mata.

"Look Adie, I'm so sorry I had to put you in this position. Pero ikaw nalang ang pag-asa ko." desperadong sabi ni Alex.

"Why me? Sa daming reporters at journalists sa kompanya niyo, bakit ako? Ate naman..you know hindi ito ang field ko.. feeling ko tuloy dina-downgrade mo ko." nagtatampong saad niya.

"No Adie! Kaya nga sa'yo ko ito binigay kasi naniniwala ako sa kakayahan mo!" huminga ng malalim si Alex bago ulit nagsalita. "Nakatengga na itong project na ito for about a year now, lahat ng in-assign ko dito bigo dahil they can't cope up with Montello. Your my last hope Adie."

Kinuha ni Adie ang folder na binigay sakanya ng ate Alex niya kanina nang magkita sila sa opisina nito. Nasa loob ang profile ng isang Marco Dame Montello. Sa gilid nito ay may isang picture na nakabusiness suit at mukha pang stolen shot.

Marco Dame Montello

Also known as the mystery guy. Son of the world renowned musician, Apollo Dame Montello and Miss Universe 1982, Marcella Niguid-Montello.

He's twenty-seven years old, and after graduation, he took over their business which includes recording companies,concert halls and musical theatres. He is a part-time model but a full-time businessman.

At iyon lang ang nakalagay sa portfolio nito. Adie looked up again to his picture.

'In fairness, kahit nakatagilid at nakasimangot may itsura ang mokong.'

"Quite a catch,right?" may halong pang-aasar sa tono ni Alex.

Binaba agad ni Adie ang folder at hinarap si Alex. "I still don't get it kung bakit kailangan ng interview rito sa lalaking ito. And please! Mystery guy? How the hell that happened?"

"Marco Dame Montello values his privacy, ni kahit isa, walang nakakaalam ng bahay nito. Well of course, except to his friends and family. Hindi ito nagpapa-interview, at kung meron man tipid ito magsalita. Kaya target number one siya lahat ng reporters at journalists."

"At kasama ka doon?"

"Of course! Business is business! Kailangang makipag-kompitensya. Besides, kapag tayo ang makakakuha ng scoop na ito.." biglang humina ang boses ni Alex "..malay mo, malaki ang maitutulong sa magazine at newspaper natin and my parents would be so proud."

Biglang lumungkot ang ekspresyon ng ate Alex niya. Parang iiyak na ito, and she knows why. Ang kuya Adrian niya ay yinakap nalang ang kabiyak. Alex's parents died a year ago because of a plane crash. Adie witnessed how devastated her ate Alex was. Na kinailangan pa nilang i-move ang kasal nila ng kuya Adrian niya because of Alex's situation. At pinangako ng ate Alex niya na mas palalaguin pa nito ang negosyong naiwan ng pamilya nito.

She sighed and held Alex's hand. "Ano pa nga ba? Iniyakan mo na ako. You know I love you. Kaya sige.. no turning back ang peg ko. I'll unleash the mystery of this Marco Dame Montello guy."

--------

Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

A Love to Report [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon