Dumating si Marco sa kanyang opisina at sinalubong siya ng kanyang sekretarya na si Mrs. Duquez."Follow me,Mrs. Duquez." sabi ni Marco at tuloy-tuloy lang ang lakad niya papunta sa kanyang opisina.
Agad namang sumunod si Mrs. Duquez dala-dala ang planner nito. Ito narin ang nagsara ng pinto nang makapasok silang dalawa sa opisina ni Marco. Dumiretso si Marco sa kanyang swivel chair at umupo roon habang si Mrs. Duquez naman ay nasa harap ng mahogany table niya at binuksan ang planner na dala nito.
"Manila Bulletin wants to have an--"
"Decline." Agad na sagot ni Marco hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Mrs. Duquez. Tumango naman ang matanda at nilagyan ng 'X' ang unang sinabi sa planner. Nagpatuloy pa siya sa mga sasabihin.
"You are a part of the Candy Cuties of Candy Magazine and is expected to go on the runway with the other winners of the magazine."
"Decline." sabi ulit ni Marco at iniabot ang isang maliit na stress ball at nilaro habang hinihintay matapos si Mrs. Duquez sa mga gustong makipag-appointment sakanya.
"Mr. Boy Abunda wants you to be a guest for his show.."
"Decline."
"The Taeguk group will held a beneficiary concert at ang Montello Stadium ang gusto nilang kunin."
"Approved. Iyon lang ba Mrs. Duquez?" tanong niya sa matandang sekretarya.
"One last sir. Lifestyle and Lookbook asks if you could have give a few insights in--"
"You mean interview?"
"Parang ganoon na nga po,sir."
"Decline."
Napailing nalang si Mrs. Duquez. Sa dinami-dami ng sinabi niya isa lang ang na-approve. Sa walong taong pagtatrabaho ni Mrs. Duquez sa pamilya Montello, tanging si Marco lang ang mailap sa mga press. At ngayong aalis na siya, naaawa na agad siya sa susunod na magiging sekretarya nito.
"Mrs. Duquez, may nahanap na po ba kayo ng magiging kapalit ninyo?" tanong ni Marco sa sekretarya.
"Mayroon na po, mamaya na ang dating niya. Gusto niyo ba makita ang resumé niya,sir?"
Marco just shooked his head. "Wag na ho, I trust you. I just wished she's just good as you,though."
Ngumiti naman ang matanda sa boss niya. "As long as she does her job well, wala po kayong magiging problema,sir. May gusto pa po ba kayong ipag-utos?"
"Wala na. Thank you."
Inilapag lang ni Mrs. Duquez ang kapeng ginawa niya sa table ni Marco pagkatapos ay yumuko si Mrs. Duquez at tumalikod na kay Marco. Umupo na ito sa kanyang desk at inayos na ang mga schedules ni Marco. Mga alas-tres ng hapon darating ang bagong sekretarya ni Marco. Sinipat ni Mrs. Duquez ang orasan at nakitang magdadalawampung minuto nalang pala bago mag-alas tres. Sakto namang tumunog ang telepono sa kanyang lamesa.
"Hello,this is Marco Montello's secretary speaking."
"Mrs. Duquez.." isang mahinang boses ang tumawag sakanya.
"Yes,speaking. May I know who is this?"
"Si Cora po ito." at narinig din ni Mrs. Duquez na umubo ito. Si Cora ang sekretaryang sinasabi ni Mrs. Duquez. Hindi man ito kasingtanda niya, pero pamilyadong tao narin ito. Hangga't maari kasi ay gusto ni Marco ang medyo may edad na at may experience na sa trabaho.
BINABASA MO ANG
A Love to Report [Fin]
General FictionBarkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na nakalusot at kusa niyang pinapasok sa kanyang buhay? Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter ❤️...