Kanina pa patingin-tingin si Marco sa kanyang cellphone habang inaayusan siya ng make-up artist. Ngayon ang photoshoot niya para sa bagong clothing line ni Colyn sa botique nitong 'Menvasion'. At as usual, siya nanaman ang gustong mag-model para rito. Hindi naman siya nakatanggi dahil nga bukod sa kaibigan niya ito ay nang-blackmail pa na ipagkakanulo siya nito sa isang kumpol ng mga reporters."Tawagan mo na kasi." Colyn interrupted his thoughts. Umupo ito sa tabi niya. She dismissed the make-up artist kaya silang dalawa nalang ang nasa loob ng tent.
"Tawagan sino?" tanong niya rito.
"Kung sino man ang iniisip mo. Alam ko na iyan,Marco. Been there,done that." Colyn laughed after crossing her arms.
"Ewan ko sa'yo." he just shook his head.
"Okay, sabi mo eh. Pero advice lang, walang mangyayari kung tutunganga ka lang diyan sa phone mo. Kung hindi siya yung gagawa ng movr, might as well you do it."
Matapos sabihin iyon ni Colyn sakanya ay tumayo na ito at iniwan siya. Buong hapon siyang nasa photoshoot. Siguro ay mga six na natapos ang shoot kaya naman pagod na pagod siya. Madalang talaga siyang magmodel. Papayag lang siya kung pinilit siya ng parents niya o kaya ng kaibigan niya tulad ni Colyn o kaya for charity cause iyon.
Nagpaalam na siya kay Colyn. Gusto niya sanang isabay ito pauwi pero tinanggihan siya nito dahil susunduin daw ito ni Jeremie. Tumango nalang siya rito.
"Remember what I said Marco. Don't let it slip away." habol ni Colyn sakanya. Tumango nalang ulit siya at pumasok na sa kotse.
Kinuha ni Marco ang phone niya, at tinignan ang message roon na itinext sakanya ng secretary niyang si Cora.
Sir, here is her address.
Hidalgo Heights. Iyon lang po ang nakalagay sa resumé niya.
Alam niya kung saan ang Hidalgo Heights kaya naman dali-dali niyang pinasibad ang kotse niya papunta roon. He needs to talk to Adie. Halos isang linggo na magmula nang umalis ito ng opisina. Ni hindi na nga nito tinapos ang dapat na mga araw pa nito sa trabaho. Hindi na siya kumibo dahil alam niyang siya ang may kasalanan sa nangyari.
He just couldn't stop talking. Masyado ata kasi siyang naging komportable at nakapagsabi siya ng mga salitang hindi dapat. He really feels guilty of what he have done. Gusto niyang humingi ng sorry kay Adie agad. Pero, hindi niya alam kung paano. He just thought that she needs time para mawala ang galit nito. Naghanap na nga siya ulit ng bagong lyricist pero honestly, hindi ito kasinggaling ni Adie. Miski ang ibang composers at lyricist na katulong niya ay si Adie rin ang gustong kunin.
Kaya naman mas lalo pa siyang naging guilty. It took him this long to get the courage he needs for him to talk to Adie again. Sana lang, pumayag ito sa proposition niya.
Pinark niya lang ang kotse niya at pumasok na sa lobby ng Hidalgo Heights.
For a secretary, Adie is living quite well. Hindi sa minamaliit niya ang trabaho nito, pero alam niya na mahal rito sa tinutuluyan ni Adie.
He just shrugged that thought away. Maybe, marami lang talagang ipon ito kaya can afford nito ang isang unit.
He went straight to the guard. Mahigpit talaga sa mga condo buildings na katulad ng Hidalgo Heights. Hindi basta-basta nakakapasok ang kahit sino hangga't hindi pinahihintulutan ng nakatira sa isa sa mga units.
"Good Evening po sir." bati sakanya ng guard.
"Good Evening din. Pwede ba magtanong?"
BINABASA MO ANG
A Love to Report [Fin]
Fiksi UmumBarkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na nakalusot at kusa niyang pinapasok sa kanyang buhay? Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter ❤️...