Five

73.9K 1.3K 56
                                    



Five am palang ay gising na si Adie. First time ito nangyari ulit nang magsimula siyang magtrabaho. Nine am kasi ang pasok niya sa publishing company ng pamilya ni Ate Alex. Ngayon, napilitan tuloy siyang gumising ng maaga. Iyon pa naman ang pinaka-ayaw niya, pero wala naman siyang choice.

Nag-init nalang muna siya ng tubig at nag-cup noodles siya para sa almusal niya. Pagkatapos ay tsaka siya naligo.

Magsasampung minuto na naghahanap si Adie sa kanyang closet ng formal attire. Kainis naman kasi! Wala siyang damit na ganoon. Sa trabaho niya kasi kahit simpleng blouse at jeans lang ay umuubra na. Ngayon, hindi na ganoon.

Sa wakas, nakita niya ang isang white long sleeve niya at isang pencil cut skirt. Naalala niya, ito ata ang sinuot nung nag-thesis defense pa ata sila nung college. Nakahinga siya ng maluwag nang nagkasya pa ito. Inilugay niya lang ang mahaba at itim na itim niyang buhok. Nag-apply rin siya ng foundation,eyeliner at pink lipstick. Nagsuot rin siya ng nude colored heels. Sinipat niya ang kanyang sarili sa salamin at nang makuntento na siya sa kagandahan niya ay iniayos na niya ang mga gamit niya sa shoulder bag niya pagkatapos ay lumabas na siya sa kanyang condo unit.

Pagkarating sa Mon Records-- ang recording company ng mga Montello, ay umakyat na siya sa 25th floor. Naabutan niya roon si Mrs. Duquez na sa tingin niya ay kararating lang rin.

"Good Morning Mrs. Duquez." bati niya rito.

"Good Morning Adie, you look beautiful." puri nito sakanya.

"Hindi talaga kayo nagsisinungaling, Mrs. Duquez." biro niya.

Tumawa naman ang matanda at iminuwestrang lumapit siya rito na sinunod naman niya.

"Mamayang eleven ang alis ko. Kaya ibibilin ko na sa'yo ang mga ito." sabay tapik nito sa kabundok na files. "These are the files that Mr. Montello needs to read and sign. Make sure maibigay mo ito sakanya mamaya."

Tinitignan palang ni Adie ang medyo karamihang file folders ay sumasakit na ang ulo niya. Siya nga, mag-edit lang ng isang storya ay sumasakit na ang ulo niya eh.

"Lahat po iyan? Kaya po ba ni Marco-- I mean sir Marco ang basahin at intindihan ang mga iyan?"

Ngumiti naman si Mrs. Duquez. "Yes, kaya niya iyan. Basta ibigay mo nalang sakanya ang mga ito, at siya na ang bahala. Natatandaan mo pa naman ang mga nasabi at paalala ko sa'yo kahapon 'di ba?"

Tumango siya bilang sagot sa tanong nito.

"Good. Nandoon sa likod ang mini kitchen. Eto ang mga file cabinets, naka-order iyan kaya kapag may pinapahanap sa'yo si Sir Marco madali mo itong mahahanap. Ano pa ba?.. Ah! Tinanggal ko narin ang password sa computer. Ikaw nalang ang maglagay ng gusto mo. Eto ang number ko, kapag may tanong ka itext o tawagan mo lang ako. Tungkol naman sa pagiging temporary mo ay sasabihin ko mamaya pagkarating ni Sir."

Sakto namang pagkasabi nun ni Mrs. Duquez ay iyon ang naman ang pagbukas ng private elevator ni Marco. At sa pangalawang pagkakataon ay napatulala nanaman si Adie sa lalaki. Naka-three piece suit ito may kausap sa cellphone at nakashades pa. Dali-daling tumayo si Adie at binati ito.

"Good Morning Sir." sabi niya. Ngunit, hindi siya nito pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa opisina nito.

"Snob si kuya." bulong ni Adie sa sarili. Napanguso nalang siya, at pumunta sa kusina. Siyempre naaalala niya na dapat pagkarating nito ay maidala na niya agad ang kape. Kumuha siya ng isang tasa at sinalinan iyon ng mainit na tubig na laman ng thermos. Pagkatapos ay iniabot niya ang kape at naglagay ng dalawang kutsarita pagkatapos ay tatlong kutsara ng asukal.

A Love to Report [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon