Isang malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sa natutulog na si Adie. Inis na bumangon siya at hinanap ang alarm clock na tumutunog. Nang makita ito sa bedside table ay agad na pinatay niya iyon.
Kailan pa nagka-alarm clock rito? - nagtataka niyang isip. Napakamot siya sa ulo at sinipat ang orasan.
She groaned when she saw that it's only six thirty in the morning. Nilingon niya ang katabi pero wala na roon si Marco. Tanging isang papel ang nakita niya sa unan nito. Kinuha niya iyon at binasa.
'Went to the gym, love. I love you!'
Napangiti nalang si Adie sa note nito sakanya. They are still here sa isang resort sa may El Nido. Dito kasi pinili ng kanyang mga magulang na magrenew ng vows tapos nagextend pa silang lahat ng three more days para raw makapagbakasyon naman daw kaya naman hindi na sila umangal.
Kinusot niya ang kanyang mata at bumalik sa pagkakahiga sa kama. Maaga pa naman, kaya matutulog muna siya ulit. Mamaya niya na pupuntahan si Marco. Knowing her boyfriend, magbababad nanaman iyon sa gym.
She was about to close her eyes when another noise came up.
"What the hell?!" Kumunot nalang ang noo niya dahil hindi niya makita ang pesteng pinanggagalingan ng tunog. Tingin niya ay isang alarm clock nanaman iyon. Mukha siyang tanga na sinusundan ang ingay na iyon. She ended up at the other bedside table, sa loob ng drawer. Naroon ang isa pang alarm clock na naghuhurumentado. Inis na pinatay niya iyon.
Huminga siya ng malalim. Sagana ba itong resort na ito sa alarm clocks?
Lumundag ulit siya sa kama at humiga. Hinintay niya kung may tutunog nanaman ba, pero wala nang nag-ingay kaya naman pumikit na siya. Inaantok pa siya.
"Peste!" Sigaw niya ng isa nanamang malakas na tunog ang gumulantang sakanya. This time, it's louder. Tapos ang tunog naman na ito ay tila bombang sasabog.
"Ahhh! Nasaan ba 'yun?!" Naiinis na asik niya. Hindi niya kasi mahanap ang nag-iingay. Tumigil siya sa kama nila at pinakinggan ang tunog. At tama siya, nasa kama nga nila iyon nanggagaling, inalis niya ang comforter, ang mga unan pero wala ito roon. Naiinis na siya sa ingay kaya tumigil ulit siya at nagconcentrate kung saan talaga nanggagaling yung tunog.
She groaned nang matanto niya kung nasaan iyon. Mabilis na dumapa siya sa sahig at sinilip ang ilalim ng kama and there it is. That annoying little thing! Mabilis na hinablot niya iyon at inis na tinaktak ang battery nito sa likod. Pero ang alarm clock, sosyal! Walang battery, di-switch ito kaya naman hinanap niya ang button para mapatay ito. Nang mapindot niya ang off button ay hapong umupo siya sa gilid ng kama.
Wala na! Nawala na ang antok niya. Pero napatayo siya ng biglang may tumugtog. Hinanap niya kung saan nanggagaling ang musikang tumutugtog and there at the two corners of the ceiling may dalawang speakers na nakakabit.
Kailan pa nagkaroon ng speakers ang kwarto? Bakit parang hindi niya iyon napansin nang pumasok siya kagabi?
And then, as if on cue.. biglang may kumanta.
* A hundred and five is the number that comes to my head, when I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed, that's precisely what I plan to do *Napatayo si Adie nang makilala ang boses na iyon.
"What the hell! Marco?" She cursed under her breath. Ano nanaman ba'ng pakulo nito?
"Love! Good Morning! I assume that you're awake now." Tumigil si Marco sa pagkanta pero may background music parin na tumutugtog. "Sa dami ba namang alarm clock ang sinet ko alam ko namang tulog-mantika ka." Pagkasabi nito ay tumawa pa ito.
BINABASA MO ANG
A Love to Report [Fin]
General FictionBarkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na nakalusot at kusa niyang pinapasok sa kanyang buhay? Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter ❤️...