Thirty-nine

88.2K 1.5K 81
                                    

Isang malakas na batok ang ibinigay ni Mariella kay Marco pagkapasok nila sa kotse nito.

"Aray! Ano ba?!" Sigaw niya rito habang hinihimas ang nasaktang ulo.

Hindi pa nakuntento si Mariella dahil piningot naman nito ang tenga niya kaya nagsisisigaw siya sa sakit.


"Isa! Tanggalin mo iyang kamay mo! Masakit! Aray! Pucha!"


Marahas na binitawan ni Mariella ang tenga niya. Matalim niya itong tinignan pero mas matalim naman ang ibinigay ni Mariella sakanya na tingin.


"What?!" Asik niya rito.


"What did you just do back there?" Mataray na tanong nito sakanya.


"What?" Patay-malisyang sagot niya rito habang hinihimas ang ngayong namumulang tenga.


"Bakit mo ginanun si Adie?! Akala ko ba babawi ka na sakanya?!" Bulyaw nito sakanya.


Imbis na sagutin ay nanahimik nalang siya.


"Aray! Pucha!! Kanina ka pa ah!" Inis na sabi niya rito.


"Isusumbong kita kay Tita, akala mo!" Banta nito sakanya.


"Baka gusto mo'ng isumbong rin kita sa nakita ko kanina?" Banta niya rin rito.


Mariella Niguid. She's his cousin from his mother side. Nakita niya kasi itong kahalikan si James Von Lustre at pinakiusapan siya nito na huwag nga raw sasabihin sa mga magulang nito dahil hindi pa raw sila sure sa ma nararamdaman nila. Napaismid nalang siya sa sinabi nito at sa huli pumayag nalang rin siya dahil apparently, alam nito kung ano si Adie sa buhay niya dahil sa kadaldalan ng mommy niya.

Tita Van, Mariella's mother, asked him if she could rent one of his theatres for an awards night. Hindi naman niya alam na iyong awards night na sinasabi nito ay para sa mga newspaper and magazines na kinabibilangan ni Adie. Nagulat nalang siya ng ihahatid na sana niya si Mariella, nakita niya si Adie at isang lalaki na tinawag nitong Kenneth.

Oh, he remembers that fucking name. Lalapitan na sana niya silang dalawa nang magsalita si Adie.

"Kung hindi mo sana ako niloko dati pa, wala ka sa posisyon mo ngayon!"



Upon hearing those words from her, his body tensed. Ano ang ibig sabihin nito?

Kumuyom ang mga palad niya.

Iniisip parin nito ang gagong ex niya? Kahit na winalanghiya na siya nito?

At ano?! Iniisip niya parin ba kung hindi sana nagloko ang Kenneth na 'yun, masaya silang pareho ngayon? Ganoon ba?


Naalerto siya nang makita ang pag-angat ng kamay ni Kenneth kaya naman mabilis siyang kumilos at piaulanan ng mga suntok ang lalaking ito! Wala siyang pakealam kung mapatay man niya ito! Actually, iyon ang gusto niyang mangyari!


"Hoy! Natulala ka na diyan!" Kunot-noong pukaw sakanya ni Mariella.

"Tumahimik ka na nga lang!" Bulyaw niya rito.

"Sayang naman iyong mukha nung lalaki! Pogi pa naman iyon, kuya!" May panghihinayang sa boses nito.


"Isa pa, Mariella! Paglalakarin kita hanggang bahay niyo nang nakasuot na ganyan!" Sigaw niya rito.


"Edi nagseselos ka nga." Nakatawang pahayag nito.

Natigilan siya at naningkit ang mga mata. "Ano'ng pinagsasabi mo diyan?"


A Love to Report [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon