Pababa na si Adie sa lobby ng Hidalgo Heights ng matanaw niya ang isang pamilyar na bulto. Nangingiting lumapit siya sa lalaking nakasandal sa kotse nito."Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Adie kay Marco.
"May pinuntahan kasi akong kaibigan malapit rito kaya naisipan kong daanan ka nalang."
"Sir Marco, ikaw ba talaga iyan?!" natatawang sabi niya rito.
"Marco nalang. We agreed to be partners in this project,right?" nakangiting tanong nito sakanya.
Nasasanay na si Adie sa mabilis na tibok ng puso niya tuwing napapalapit siya sa lalaking ito. Nung isang araw na puntahan siya nito sa condo unit niya ay napatunayan niya na talagang nahuhulog na siya sa charisma ng lalaking ito. Wala namang ginagawa ito sakanya, pero hindi iyon naging hadlang para mahulog siya rito. Nang yayain niya ito na mag-dinner, jusko kung alam lang ni Marco na nagkandaugaga siya sa moment nilang iyon. Madaldal rin pala ito pero halatang alam ni Marco ang mga dapat at hindi dapat sabihin nito.
Yun ang dahilan ni Adie kaya siya pumayag sa trabahong inalok ni Marco sakanya. She wants to spend more time with Marco. She wants to know him more.
"Sabing wag mo na akong i-'sir' eh. Kulit mo talaga." sabi nito.
"Hindi kasi ako sanay." katwiran niya.
"Pwes, masanay ka na. Let's go?"
Tumango nalang si Adie. Umikot si Marco para pagbuksan siya ng pintuan. And as usual, may kilig na naman siyang naramdaman. Bakit ba feeling niya ang landi niya?
Pagkatapos nitong isara ang pintuan sa passenger seat ay umikot na ito para pumasok sa driver's seat at pinaandar na ang kotse. Pupunta sila ngayon sa bahay ni Eunice Tan para pag-usapan ang album nito na kay Marco ipinaubaya. Tahimik lang sila sa loob ng kotse habang nakikinig ng radyo hanggang sa makarating na sila sa bahay ni Eunice. Pinagbuksan sila ng guard at pinapasok naman sila ng isang katiwala roon at idineretso sa sariling studio ni Eunice sa loob ng bahay. Pagkapasok nila, ay naroon na ito at may kung anong ginagawa sa computer.
"Good Afternoon po." bati ni Adie rito na siyang nagpalingon kay Eunice.
"Adie, Marco! Glad to see you. Seat down please." iminuwestra nito ang couch para umupo. Kinuha lang nito ang phone niya at umupo na sa tapat nila.
"Eunice, Adie is my new lyricist." diretsong saad ni Marco.
Wow grabe lang!
Straight to the point talaga ito. Walang paligoy-ligoy. Businessman talaga ang dating ng lalaking ito.
"Talaga?! Wow! I'm glad at napili mo siya Marco. Nung una palang talaga kami nagkita ni Adie at nagbigay ito ng opinyon sa composition mo, alam ko na may talent ito sa musika." masayang sabi ni Eunice.
"At ano naman ang opinyon niya sa unang composition ko?" nakataas na kilay na tanong ni Marco pero binaling nito ang atensyon kay Adie.
Napakagat naman ng labi si Adie. Naku! Sana lang huwag sabihin ni Eunice. Pero ano pa bang magagawa niya? Mukhang madaldal talaga ang beteranang singer.
"Sabi niya na malungkot iyon at parang walang buhay. Which is true,you know." saad ni Eunice na mas lalong nagpataas ng kilay ni Marco.
"Ah talaga?" walang buhay na komento ni Marco. Hindi parin nito inaalis ang tingin sakanya kaya naman napayuko nalang siya para iwasan ang mga titig nito.
BINABASA MO ANG
A Love to Report [Fin]
Aktuelle LiteraturBarkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na nakalusot at kusa niyang pinapasok sa kanyang buhay? Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter ❤️...