Pagkapasok nila Adie at Marco sa isa pang private room ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Marco sa gustong malaman kaya naman agad agad umupo ito at nagsimula nang magtanong.
"Ano'ng nangyari? Paanong hindi nagustuhan ni Eunice iyan?!" iritadong tanong nito sakanya.
Adie just rolled her eyes. Nasaan ang pagka-gentleman na sinasabi ng barkada niya rito? Ni hindi nga siya inayang maupo muna bago siya iinterrogate eh. Kainis!
"Uupo muna ako sir ah." sarkastikong sabi niya. Eh sa naiinis siya eh. Una, pinapunta siya nito sa restaurant na ito. Pangalawa, ni hindi man lang sinabi sakanya na ganitong klaseng restaurant pala iyon. Nagmukha tuloy siyang dukha. Pangatlo, winalang bahala lang siya nito sa harap ng mga kaibigan nito.
'Eh ano ka ba niya? Makaasta ka parang syota ka nung tao!' sigaw ng isang parte ng utak niya.
Ipinilig niya ang kanyang ulo sa biglaang pumasok sa isip niya.
"Nakaupo ka na. Ano na Adie?!" bulyaw sakanya ni Marco.
Napahinga siya ng maluwag. Sobra-sobra na ang inis niya rito. Walang ginawa kung hindi mangbulyaw, mang-utos at mag-solo sa buhay. Buti nga may social life pa ito eh.
"Oh." sabay abot niya ulit sa CD. "Sabi ni Ms. Eunice, pakinggan mo kung gaano kalungkot iyang composition mo."
Tumaas naman ang kilay ni Marco sa sinabi niya. "Malungkot?"
"Opo. Malungkot. As in sad,lonely--"
"Alam ko kung ano ang malungkot Adie!" sigaw nito sakanya.
"Alam mo naman pala eh, bakit ka pa nagtatanong..tss" Bulong niya sa sarili niya.
"Ano?!" baling nito sakanya.
"Sir Marco. Totoo naman ho na malungkot iyang composition niyo eh. Walang buhay. Para kayong namatayan."
"Tumahimik ka nga!" sigaw nito sabay hampas sa lamesang pagitan nilang dalawa.
Nanlaki ang mga mata niya sa asta nito. His eyes were burning with so much anger. Did she pushed his limit?
Kasi naman Adie eh! Napaka-loko mo talagang babae ka! Paano na ang New York? Huhu.
"S-Sir.." nanginginig na tawag niya rito. Tangna! For the first time natameme siya kay Marco. Pucha! Nakakatakot ito ngayon!
"S-Sorry po." ulit niyang sabi ng hindi ito sumagot sakanya.
"Ms. Martin, secretary kita. Ako ang boss mo. Lahat ng utos ko susundin mo. Wala kang karapatang magreklamo dahil ako ang nagpapasweldo sa'yo. Kaya sana alamin mo muna kung saan ang pwesto mo." pagkasabi nun ay tumayo lang ito bigla at diretsong naglakad paalis sa kwarto.
Napayuko si Adie sa ginawa ni Marco. Bakit siya naging ganoon? Tsaka pucha! Bakit siya umiiyak?!
------
Buti nalang kinabukasan ay day-off ni Adie kaya medyo nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya alam kung ano ang magiging atmosphere sa kanilang dalawa ni Marco matapos ang nangyari kagabi.
Nung iwan siya nito kagabi mabilis narin siyang umuwi. Ilang beses siyang nag-compose ng message para rito pero sa huli ay binubura niya rin lang.
Ngayon, nandito siya sa bahay ng ma Lagdameo. Last fitting na kasi ng mga gowns ng mga bridesmaid sa kasal ng Ate Alex at Kuya Adrian niya. Siya ang maid of honor ng kasal ng kapatid niya. Nakaupo lang siya ngayon sa single couch habang pinagmamasdan ang nagfi-fitting sa harap niya.
BINABASA MO ANG
A Love to Report [Fin]
Narrativa generaleBarkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na nakalusot at kusa niyang pinapasok sa kanyang buhay? Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter ❤️...