Thirty-six

68.9K 1.2K 57
                                    

AAHHH! PWEDENG MAGMURA?!
GRABE! MAY BAGONG PICTURE SI DARA AT GD MY LOVES! WHOOO!
KINIKILIG AKO SHEMS!
DARAGON!!!!!!!!!

*hinga hinga hinga*

Sorry. Eto na update. :) BITIN PO TALAGA EVERY CHAP KASI HINDI PA COMPLETED ANG STORY. HEHE
BUKAS ULIT UPDATE.
-------------

Tinanggal ni Adie ang sunglasses niya ng makita niya ang isang lalaking nakangiting naghihintay sakanya. Kinawayan niya ito at tinulak na ang cart niya.


Sinalubong siya nito ng isang mahigpit na yakap at halik sa pisngi.

"How's the conference?" Tanong nito sakanya. Ito na ang nagtulak sa cart niya. Mabilis naman niyang inangkla ang braso niya sa braso nito at humilig pa sa balikat habang palabas na sila ng airport.


"It was great kuya! New York is really beautiful!" Masayang sagot niya sa kuya Adrian niya.


"That's great news." Sabi nito.

Nang makarating sila sa parking lot ay pinatunog na ng kuya niya ang alarm ng kotse niya. Binuksan na niya ang passenger seat at sumakay na roon habang ang kuya naman niya ay pinapasok ang mga gamit niya sa trunk ng kotse nito.

Nang matapos ay sumakay na ito sa driver's seat.

"Seatbelt, princess." Sabi nito.

Sinuot naman niya ang seatbelt niya gaya ng sabi nito.


"Alex is excited to see you." Nakangiting baling nito sakanya.


"Ako rin. Excited na kong makita si Ate. Ang daming pinabili niyon!" Natatawang sabi niya sa kuya niya.


"Hayaan mo na. Babayaran ko naman eh." Sagot nito.

Natawa naman siya. "Ano ka ba kuya, pasalubong ko na iyon, ano!"


Nang makarating sila sa building ng ate Alex niya ay dumiretso agad sila sa opisina ng ate Alex niya.


"Good Morning World!" Sigaw niya pagkapasok na pagkapasok sa opisina ng ate Alex niya. Kaya lang laking gulat niya dahil may mga kausap ito at dahil sa pagsigaw niya ay nabaling sakanya ang atensyon ng lahat.


"Oops! Sorry po.. sorry po.. pasensya na po." Sunod-sunod na paghingi niya ng paumanhin sa mga tao run. Kasi naman eh, pasok siya ng pasok ni hindi man lang siya kumatok. Gusto niyang pukpukin ang sarili dahil sa katangahan niya.


Tumayo naman si Alex. "Adie!" Sigaw nito at mahigpit siyang niyakap pagkatapos ay pwersahang hinarap siya sa mga tao roon. "Everyone, this is Adrienne Marie Martin. My sister-in-law and this company's lucky charm." Pakilala nito sakanya.


Nakita niya ang pagtango ng mga tao roon. Mabilis siyang kinamayan ng mga tao roon at kinocongratulate siya. Hindi naman niya alam kung bakit kaya naman nangunot ang noo niya at tinignan ang hipag na parang nagtatanong.


"Upo ka muna, Adie. Everyone, meeting is adjourned.Thank you!" Deklara ni Alex.

Pagkalabas ng mga tao roon ay umupo na ito sa swivel chair nito at may kinuha sa isang drawer roon.

"Ate! Ano bang meron? Bakit tila tuwang tuwa sila sa akin? Tsaka sino ba ang mga iyon? Ngayon ko lang ata sila nakita rito." Sabi niya.


"Mga stockholders ang mga iyon. I just finished reporting to them this month's sales." Sagot nito sa tanong.


"Ah.. oh! Oo nga pala, ano na pala balita--" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang inilagay ng Ate Alex niya ang latest issue ng 'Excelite' ang official magazine ng mga Lagdameo.


Napatingin siya sa Ate Alex niya na nakaupo sa swivel chair at nakatingin rin sakanya na nakangiti.

Her mouth is half-opened while staring at the magazine and Ate Alex alternately.

"I-ah.. e-eto na ba yun?" Nauutal na tanong niya.

Mas lumaki ang ngiting ipinakita sakanya ng hipag at tumango-tango. "Yes, at alam mo ba Adie? The sales were a blast! Grabe, hindi ko inexpect! We received good feedbacks. Lalo na yung article mo."

She was taken aback.

Ang article niya?

Yung.. yung patungkol kay Marco?


"Yung article ko?" Paninigurado niya.


Sunod-sunod na tango naman ang sinagot sakanya ni Ate Alex. "Yes, the mystery guy?! Everyone's talking about it, Adie! Sa internet, nagkalat ang mga forums and blogs about your article. Mukhang curious sila kung sino nga ba itong 'mystery guy' mo." Nakangising sabi nito sakanya.


Literal na napanganga siya. Ganoon kalakas ang naging impact ng article niya?

"What about the ranking? A-Anong status ng Excelite?" Nag-aalalang tanong niya rito.


Iyon kasi ang major goal nila. Ang maibalik sa number one spot ang Excelite ng mga Lagdameo. Dahil simula nang mamatay ang parents ng Ate Alex niya ay hindi na nila nabawi ang number one sa Pilot Media na madalas ay nagiging number one at sa CC Save and Publish. Ang kompanyang kinabibilangan ni Melody.


"They will announce it by the end of the month. Since mag-iisang linggo palang naman nang irelease ang mga issues natin ng CC and Pilot." Sabi nito.


Tumango tango naman siya sa sinabi nito.

"I hope we'll get the top, Ate." Sabi niya.

Tumayo naman ito at tsaka pumwesto sa may likuran niya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at minasahe.


"We'll get it, Ads. I'm sure of it." Puno ng kumpiyansang pahayag ng Ate Alex niya. "Teka nga pala, nasaan ang kuya mo? Di ba sinundo ka niya?"


"Idinaan niya lang ako rito. May appointment daw siya eh. Sabi niya alam niya, alam mo naman daw kung ano iyon." Sagot niya rito.


Sandaling natulala si Ate Alex na tila ba may iniisip. Pinagmasdan niya ang pagkunot ng noo nito tapos ilang sandali lang ay mawawala na at umaliwalas na ang mukha na tanda ng naaalala na nito ang sinasabi niya.


"Ah! Oo, Oo! M-May appointment nga pala siya." Napapitik pa ito sa hangin.


"Ang weird mo, Ate." Natatawang sabi niya.


"Nakabalik ka na kasi, sa wakas." Makahulugang sabi nito.


"Huh?"

Tinawanan lang siya nito at lumabas na ng opisina. Pinagmasdan lang niya ang hipag habang naglalakad palabas ng opisina.


"Ano'ng problema nun?" Iiling-iling na sabi niya sa sarili.

Kinuha na niya ang bag niya at tsaka mabilis na sumunod sa weirdong hipag niya.

---

VOTE AND COMMENT!
Follow me on twitter and IG. @kendeyss

A Love to Report [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon