"Ano ba iyang ginawa mo Colyn?" Tanong ni Jeremie sa asawa matapos kausapin si Adie.
Nilingon lang ni Colyn ang asawa at ngumiti ng bahagya.
"Just trust me." nakangiting sabi ni Colyn at inayos na ang gamit nito.
Napangiti nalang rin si Jeremie sa asawa.
------
"Adie! Ayos ka lang ba? Ano?! Sinaktan ka ba nila?" Sunod-sunod na tanong ni Jean kay Adie.
Matapos iwan siya nila Mico ay hindi na niya nagawang tumayo pa mula sa pagkakaupo. Paano na ito?
Ano na ang gagawin niya? Alam na ng mga kaibigan ni Marco ang lahat! Kahit pa nangako ang mga ito na hindi sasabihin kay Marco ang nalalaman, hindi parin siya dapat makampante!
"J-Jean.. a-ano'ng gagawin ko?! Alam na nilang lahat! Ano'ng gagawin ko?!" Tila siya batang nagsusumbong.
Napabuntong-hininga nalang si Jean sa kaibigan at maingat na hinaplos ang likod nito para patahanin. "Adie, I think alam mo ang sagot diyan sa tanong mo."
"P-Pero natatakot ako.. w-what if .. what if kamuhian niya ako? Hindi ko ata kaya iyon."
Naaawang tinignan siya ni Jean na nagpakawala ng hininga. "Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Tsaka, you owe him this Adie. Alam nating lahat na mali ang itago sakanya ang totoo. Kung magalit man siya, tanggapin mo! But that doesn't mean na susukuan mo na siya. Do you get my point?"
Nakayukong tumango siya sa kaibigan.
Tama ito.
She owes Marco her explanation.
Hindi na niya kaya pa'ng ipagpatuloy ang paglilihim niya.
She just needs to trust herself and Marco.
----
Kanina pa siya nakauwi sa condo niya. Para siyang lantang gulay. Walang sigla. Marahil pagod na siya sa kakaiyak. Pero anong gagawin niya kung sa tuwing iisipin niya palang na masasaktan niya si Marco ay nauumid ang dila niya. Na maski siya ay nasasaktan rin.
Napatingin siya sa side table ng magring ang cellphone niya na nakapatong roon.
Nanatili lang siyang nakahiga at tinitigan ang kisame ng kanyang kwarto hanggang sa tumigil na sa kakatunog ang cellphone niya.
Napahinga nalang siya ng maluwag. Maya maya'y lang tumunog nanaman ang cellphone niya. Tinignan niya iyon saglit at sa huli'y kinuha narin lang.
Kinagat niya ang kanyang labi ng makita kung sino ang tumatawag sakanya.
Sasagutin niya ba?
Napapikit siya at huminga ng maluwag bago sinagot ang tawag ni Marco.
"Hi miss." Masiglang bati sakanya ni Marco.
That voice. Upon hearing that soothing voice, tears suddenly started filling her eyes.
"H-Hi." She tried not to let her voice tremble. Baka mahalata pa nito na naiiyak na siya.
"Are you okay?" Biglang nag-iba ang boses nito.
She swallored hard. "Yes. Oo naman."
Sandaling hindi ito nagsalita.
"Adie.." tawag nito sakanya.
"Hmm?" Sagot niya. Hindi na kasi niya kaya pang magsalita dahil sa sandaling iyon ay may kuwala ng luha sa mata niya.
Napahinga ito ng malalim. "Always remember that I'm here. Kapag may problema ka, don't hesitate to lean on me. Understood?" May halong pag-aalala at pagsusumamong sabi nito sakanya.
Sa sinabi nito mas lalo lang siyang napaiyak. Tinakpan niya ang kanyang bibig para walang makatakas na hikbi at hindi marinig ni Marco. Tumango-tango siya kahit na hindi siya nakikita ni Marco.
Nagulat nalang siya dahil bigla nalang kumanta ang nasa kabilang linya.
"But oh, can't you see..That no matter what happens..Life goes on and on.. So baby, please smile. 'Coz I'm always around you..And I'll make you see how beautiful..Life is for you and me..
..Take a little time baby..See the butterflies colors..Listen to the birds that were sent to sing for me and you. Can you feel me? This is such a wonderful place to be. Even if there is pain now, everything would be all right. For as long as the world still turns, there will be night and day. Can you hear me? There's a rainbow always after the rain.."
Matagal na katahimikan ang sumunod How could Marco be this sweet?
Parang nararamdaman din nito kung ano ang nararamdaman niya.
"I know you're crying Adie, I wish that I'm right beside you to help ease the pain you're feeling. Dahil ayokong naririnig kang umiiyak, kasi kumikirot itong nasa dibdib ko."
"M-Marco.." Sambit niya. Bakit ba ganito ito? Lalo lang siya nito pinapaiyak.
"Ilabas mo lahat ng iyan ngayon. And by tomorrow, I want you to be all smiles again. I want my happy Adie back again." Masuyong sabi nito sakanya.
Napakagat siya sa labi.
One day.
Isang araw lang. She will be selfish again.
Pagkatapos nun, she will face the truth.
"Marco.." Tawag niya rito. Medyo tumahan narin siya.
"Ano iyon?" Lalo lang siyang naiinlove sa boses nito.
"Pwede ba tayo lumabas bukas? D-Date tayo." Lakas-loob na aya niya rito.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ng nasa kabilang linya. "Sure. Sige. Susunduin mo ba ako?" Biro nito sakanya na ikinatawa naman niya.
"Ayan, mas masarap pakinggan ang tawa mo kesa sa iyak mo." Sabi nito.
Ikinangiti iyon ni Adie. She really fell inlove with the right man. "Pwede bang magkita nalang tayo sa coffee shop sa tapat ng building mo ng tanghali?"
"Sige. Pwede naman kitang sunduin." Alok nito sakanya.
"Huwag na. Magkita nalang tayo bukas."
"Okay sige. Kung iyon ang gusto mo."
"Thank you. Uhm.. sige, matutulog na ako. Tsaka b-baka may ginagawa ka pa."
"Adie?"
"Goodnight, Marco."
"Ah.. sige. Goodnight rin, Adie."
At nang ibinaba na nito ang tawag ay tsaka kumawala ang mga luha niya ng tuluyan.
"I love you, Marco."
One day.
Isang buong araw lang.
Kakalimutan niya ang mga komplikasyon na maaaring mangyari sa kanilang dalawa.
Isang araw lang, ipaparamdama niya lang kay Marco na lahat ng pinapakita niya rito ay totoo at walang halong kasinungalingan.
Isang araw lang.
-------
VOTE AND COMMENT PO :)
Follow. @kendeyss (twitter/instagram/ask.fm)
BINABASA MO ANG
A Love to Report [Fin]
General FictionBarkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na nakalusot at kusa niyang pinapasok sa kanyang buhay? Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter ❤️...