Isang buong linggo na ang nakakalipas at sa awa ng Diyos ay isang kanta nalang ang kulang nina Marco at Adie para sa album ng beteranang singer na si Eunice Tan.It's Sunday at nagbibihis na si Adie para makaabot sa second mass. Medyo na-late kasi siya ng gising kaya hindi na siya nakaabot sa first mass.
Nagmamadali niyang kinuha ang bag at blazer niya at pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya dahil nandoon si Marco na aktong pipindutin na ang buzzer sa unit niya.
"Marco!" gulat na sambit niya.
Mukhang nagulat rin ito sa biglaang pagbukas niya ng pinto ngunit nakabawi naman agad ito. Ngumiti si Marco sakanya at itinaas ang kanang kamay.
"Hi. Good Morning!" bati nito sakanya.
"Ang aga mo naman ata? May trabaho ba tayo? It's Sunday." she stated.
Kapag Linggo, kasunduan nila ni Marco ay day-off nilang pareho. Tsaka Sunday na nga iyon. Talagang 'pahinga' day iyon ng workers.
"Iyon nga, tinawagan kasi ako ni Eunice and pinapa-follow-up na iyong last song. Mukhang excited na eh." sabay kamot ni Marco sa likod ng ulo nito.
"Hindi ba iyan makakapaghintay bukas?"
"Pwede naman. Kaya lang, nandito na ako. Baka pwede nating gawin iyon ngayon?" sabi nito.
Napataas naman ang kilay ni Adie sa sinabi nito.
Ano'ng arte naman kaya ng lalaking ito? She thought.
"Teka teka teka! Hep! Preno ka muna!" pigil niya kay Marco at itinapat niya ang palad sa mukha nito. Pinamaywangan niya ito. "Una sa lahat, Sunday ngayon. At tsaka naknamputcha naman Marco, ano'ng oras palang? Ang aga-aga mo naman ata magsipag!" sita niya rito.
Hinawakan ni Marco ang kamay niyang nakatapat sa mukha nito at ibinaba. Sa medyo matagal na nilang nagkakatrabaho ni Marco, unti-unti na siyang nasasanay sa paghawak nito. Nandoon parin ang munting reaksyon na nagidudulot ng hawak nito pero sanay na siya.
"Time is gold kaya. Tsaka boss mo ako. Kailangan ko na ang talento mo sa pagsusulat."
Yan! Ayan ang kinaiinisan niya kay Marco. Kapag hindi napapagbigyan ang kapritso nito, ginagamit nito sakanya ang pagiging 'boss' nito sakanya. Inis na siya minsan rito. May mga times na nakakagawa siya ng poem tungkol sa inis niya rito.
"Ano? Boss mo ako. Ako parin ang masusunod." confident na sabi nito.
She was about to give in when she realized something. Bigla siyang napangisi na naging dahilan para naman mapakunot ang noo ni Marco.
"Ako ang boss ngayon." she blurted.
Natawa naman si Marco saglit at napangisi. He's maybe thinking that she's crazy. Well,sorry nalang ito. But this time, she's the one that will dominate.
"Kulang ka pa ata sa tulog, Adie." natatawang sambit nito sakanya.
Nginisian ni Adie si Marco na nakangisi rin sakanya. She crossed her arms and leaned on the door. "Tsk tsk tsk.." iiling-iling siyang napapalinsiyak. "Kailangan mo na ata ng Memo Plus Gold eh."
"Ako? Baka ikaw." he also leaned on the wall para magkatapat sila. He leaned his head close to hers. Ayun, kumalabog nanaman ang dibdib niya ngunit hindi niya pinahalata. She raised her forefinger in used it to push his forehead away from her.
BINABASA MO ANG
A Love to Report [Fin]
Ficção GeralBarkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na nakalusot at kusa niyang pinapasok sa kanyang buhay? Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter ❤️...