Thirty-eight

73.2K 1.2K 42
                                    



Nakangiti si Adie habang umiikot-ikot sa harap ng full length mirror niya sa kwarto. She is wearing a black halter gown thay hugs her body just right. Her hair is tied on a messy bun so that her back can be exposed.

Kinuha niya lang ang diamond earrings niya na regalo pa sakanya ng kanyang mga magulang noong eighteenth birthday niya. Iyon lang ang tanging alahas na suot niya.

Kinuha niya na ang bag niya ng marinig na ang doorbell. It must be her date for tonight.

Binuksan na niya ang pinto and there standing her handsome date.


"You look beautiful,princess." Nakangiting sabi nito sakanya.


Pinalo niya sa dibdib nito ang purse niya. "I know,kuya." Nakatawang sabi niya. Nilock na niya ang unit niya at sabay na sila bumaba sa parking lot. Pinagbuksan siya ng pinto ng kuya niya sa backseat.


"Hi,ate!" She kissed her sister-in-law on her cheeks. Nasa passenger seat ito. Ate Alex looks gorgeous in her red lacy tube gown. Her hair is tied on a braid sideways.


"Ready?" Nakangiting tanong nito sakanya.


"Always." Sagot naman niya.


"Ready na ba ang mga dates ko?" Tanong ng kuya niya pagkapasok sa driver's seat.


"Let's go!" Excited na sabi nila ni Ate Alex.

------

Flashes of cameras welcomed them three after they got off the car.

Ito na ang pinakahihintay nila. It's the judgement day of their hardwork. It's the awards night. Nasa loob ngayon ng theatre na ito ang lahat ng nasa mundo ng journalists, writers and publishers.

Maraming kumukuha ng litrato sakanila kaya natagalan pa sila bago makapasok sa loob.


"Pupunta lang ako sa CR." paalam niya sa kuya at ate niya.


"Okay, make it fast. Magsisimula na." Bilin naman ng Ate niya.

Tumango nalang siya at dumiretso sa cr pero bago pa siya makaliko sa hall kung saan makikita ang CR, ay tila napako ang mga paa niya sa nakikita.


There he is. The man she has been missing this past month. Dapat maging masaya siya 'di ba? Dapat masaya siya dahil nakikita na niya ito na masaya. Pero bakit hindi niya maramdaman iyong kasiyahang iyon?


Mabilis na tumalikod na siya ng biglang niyakap ng babaeng kasama nito si Marco. She can't take it anymore. Kung patuloy pa niyang panunuorin ang dalawa, baka higit pa sa yakap ang makita niya. At hindi niya kakayanin kung makita niya silang maghalikan.


Pero bakit nandito si Marco?

This event is for writers like her. Maraming media sa labas. Nagtipon lahat sa loob ang mga taong kinamumuhian nito. Kaya bakit siya nandito?

Nagtuloy siya sa hallway kung saan ang daan patungong CR.. at tila nasagot ang katanungan niya sa isip nang makita ang isang display sa dingding.

'Montello Theatre A'

Ibig sabihin?


This theatre na paggaganapan ng awards night ay isa sa pagmamay-ari ni Marco?

Naghugas siya ng kamay sa sink pagkatapos ay tinungkod ang magkabilang kamay roon. Napapikit nalang siya at huminga ng malalim.

Nagulat siya ng biglang bumukas ang pintuan. At lalo lang sumama ang timpla niya ng makita ang pagmumukha ng isang taong ito.

A Love to Report [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon