Fifteen

71.1K 1.3K 27
                                    

"Adie. Ikaw na." pukaw ng kaibigan niyang si Jean sakanya.



"Sige. Paki-play nalang yung cd ha?" bilin ni Adie sa kaibigan bago tuluyang umakyat sa mini stage ng restaurant nito.



Nang marinig ang intro ng kanta ay umupo na si Adie sa isang high stool at nasa tapat naman niya ang mic stand.


"Oh-oh..Oh-oh yeah.. You..you held out your hand and pick me up each time I fall those times when I fell down..it's not in your eyes it turned me around..."

Nagsimula na ni Adie kantahin ang kantang naisulat niya na pareho sa binigay niya kanina kay Marco.



Nang matapos ni Adie ang lyrics ay pumunta siya sa dati niyang schoolmate na ngayon ay nasa isang banda at nagcocompose rin ng mga kanta at tinulungan siya nitong lapatan ng musika ang naisulat niya.



Iyon talaga sana ang sasabihin niya kay Marco, na may nagawa rin siyang melody sa kantang naisulat niya. Pero bigla nalang umurong ang dila niya nang sasabihin na sana niya iyon. Paano ba naman? Marami na itong naiisip na ideya para sa paglapat ng musika sa likha niya. Paano pa siya makakaalma?



Isa pa. Lyricist lang naman siya. Hindi composer. Ayaw naman niyang sabihan siya ni Marco na ambisyosa.



"..And you held a secret to my heart..you were the only one with faith in me..I was lost and weak, but then you came and got me back on my feet.." patuloy niya sa pagkanta. This song was based on Eunice's story. Tutal, sakanya naman talaga itong kantang ito. Pero nadadala narin siya ng kanta. At pansin ni Adie na napatigil ang ibang kumakain sa pag-kain para lang mapanuod siya.




"I..I know I made mistakes,I know I've been untrue I'll make it up to you.. I'll never let you go..Tonight, I'll show you that I care. You can't deny this love we share, it's in the air..I'll never let you go.." pagkabukas ni Adie ay napangiti siya dahil ang ibang nanonood ay napapalakpak na sinasabayan nila ang beat ng kanta. Ang iba naman ay napapalabas ng mga cellphone at hindi niya alam kung vini-video-han ba siya o kinukunan ng litrato. "You and I together, it just feels so right. I will never leave you never, no matter what the world may think I'll always be there. You and I together, we will stand the test of time and I will treasure you forever, because there's no one else,no one else who can compare.."



Napapikit ulit siya habang kinakanta na ang likha niya. She always feels proud whenever she produce something good like this. Tumataas ang tiwala niya sa sarili niya, that she could do anything as long as you love what you're doing. And kung dati, ang pagsusulat ang prina-prioritize niya, ngayon nag-iiba na dahil kasama na ang musika sa priority niya. Hindi na ito basta past time para sakanya. Dahil unti-unti nang nadidikit ito sa pagkatao niya katulad ng sa pagsusulat niya.



"You gave me someone to call my friend, you gave me someone to call my own. When I close my eyes it's you I see, you were the one who taught me love. You gave me a love that won't grow old, you gave me a love that's made of gold. You're the only one and I'll be there for you baby.." pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nakita niya si Marco na nakatayo malapit sa counter kung saan kausap nito si Jean. Kinabahan siya.

Paano nito nalaman na nandito siya? Sinundan ba siya nito?

Right now, she wants to get to him and ask him why he's here. Pero hindi pa pwede dahil kailangan niya munang tapusin ang kanta.



Pero paano niya pa ba matatapos ito kung seryosong nakatitig na ito sakanya? He's just wearing his famous poker-face expression habang ang kaibigan namang niyang si Jean ayun at tila ba parang tangang nakangisi sakanya. Kumunot ang noo ni Adie, ano kayang iniisip ng bruha niyang kaibigan?




A Love to Report [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon