Ten

70.5K 1.4K 32
                                    



"What do you mean magreresign ka?!"

Napasapo sa noo si Marco nang bigla nalang pumasok sa studio niya si Jay. Isa sa main lyricist niya. Umapaw ang galit niya ng bigla nalang nitong ilapag sa table niya ang resignation letter nito.

"Sorry Marco. Pero sayang yung opportunity na nakahain na sa'kin. Hindi ko pwedeng palagpasin pa iyon."

Pupunta na kasi ito sa America dahil natanggap ito sa Music school na pinag-apply-an nito.

"Pero bakit kailangan ngayon pa? May five months ka pa bago magstart ang klase mo." desperadong tanong niya kay Jay.



Oo. Desperado na siya. Kung kailan naman maraming trabaho sa recording company niya ay tsaka naman nagkandasunod-sunod ang dating ng problema sakanya. Hindi pa siya nakakagawa ng bagong composition para kay Eunice. Paano na ang ibang artist na handle nila? Hindi niya kayang pagsabayin ang mga iyon. Hindi tulad ng ibang recording company, kakaunti lang ang lyricist,composer at producer niya. Iyon ang stratehiya niya sa mundo ng musika. Bakit pa siya kukuha ng marami kung kaya naman iyon ng kakaunti? He may have few employees but he is sure as hell that he has the best of the best. At isa na roon si Jay na ngayon ay aalis na.

Sa dami nilang handle na mga singers ay hindi nila kakayanin kung may mababawas pa.



"Pasensya na talaga. Naiintinihan mo naman siguro ako, kailangan kong paghandaan ang pagpunta roon at gusto ko makasama ang pamilya ko sa five months na iyon."



Bumuga nalang si Marco ng malalim na hininga. Sa huli, tinanggap na niya yung resignation letter ni Jay. Wala naman na din siyang magagawa hindi ba? Alangan naman, pigilan niya yung tao sa pangarap niya. He's not that cruel.



Ngayon, ang problema ay saan siya hahanap ng kapalit ni Jay?

-------

Six thirty palang ay nasa desk na niya si Adie. Dino-double check niya ang mga schedules at mga gustong mag-schedule ng appointment kay Marco.

Karamihan sa mga ito ay gusto itong mainterview. Mainit nanaman ang pangalan nito dahil nakasama ang recording company nito sa 'Best in Producing Worlwide Music'.

Kaya lang sure na sure si Adie natatanggihan lang nito ang mga iyon. Ni siya nga, nakapasok na siya sa isang lungga ni Marco, ay hirap parin siyang kumuha ng tiyempo para makakuha ng interview.



Seven na ng umaga ay wala parin si Marco. Nagtaka tuloy si Adie. Sa halos isang linggo na niyang pagtatrabaho bilang temporary secretary ni Marco ay hindi niya pa ito nakitang nalate. Madalas before seven o saktong seven ay nasa opisina na niya ito. Hindi na lang niya iyon masyadong inisip. Tutal, tapos nanaman na ang mga dapat niyang gawin, kinuha niya ang notepad niya at nagsulat ng kung ano anong random thoughts niya.



Eight ng umaga ay bigla nalang sumulpot si Marco. He is just wearing a plain white shirt at tinernuhan lang ng ripped pants at nakashades pa ito.

Habang tinitignan ni Adie si Marco, bumilis ang tibok ng puso niya. How could this man remains handsome kahit na anong isuot nito? Kapag nakaformal, gwapo. Kapag naka-casual, gwapo parin. Kahit na ang sungit nito, gwapo parin. Paano pa kaya kapag nakangiti at nakahubad na ito?!



"Sumunod ka sakin." utos nito ng madaanan siya ni Marco sa desk. Pagkasabi nito iyon, ay diretso na ito pumasok sa opisina nito. Siya naman ay nakatulala lang sa ngayong nakasaradong pinto ng opisina ni Marco. God! Hindi niya alam na pinipigilan na pala niyang huminga! Hinawakan ni Adie ang kaliwang dibdib. Ramdam na ramdam niya ang malakas na tibok ng puso niya. Bakit ganoon? Ngayon lang lumakas ng ganito katindi ang tibok ng puso niya.



A Love to Report [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon