"I guess...you're hired Ms. Martin."Nanatiling nakatulala si Adie sa kinatatayuan niya. Nakatingin parin siya sa elevator na pinagbabaan ni Marco Dame Montello. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sakanya ngayon. She has just been hired as a secretary. Agad-agad! Ni hindi nga siya nag-abalang mag-apply eh!
"Ms. Martin? Are you okay?" pukaw sakanya ni Mrs. Duquez.
Umiling si Adie bilang sagot. Inalalayan naman siya ni Mrs. Duquez paupo sa visitor's lounge. Inabutan din siya nito ng tubig at agad niya itong tinanggap. Nang mahimasmasan na siya ay tsaka niya hinarap ang matanda.
"Tell me, mahilig ba magbiro ang boss mo?"
Kumunot ang noo ng matanda sa itinanong niya.
"It's just a joke,right? Ako? Secretary niya?! My God! Ni hindi ko kailanmam pinangarap ang maging secretary!" hysterical na saad niya.
"Kung ganoon, bakit mo gustong makita si Mr. Montello, Ms. Martin?" biglaang tanong sakanya ni Mrs. Duquez.
"Kasi gusto ko siyang--..." bigla niyang itinikom ang bibig niya. Muntikan na niyang masabi ang pakay niya talaga! Mabubulilyaso ang project niya kung sakali! Nang tignan niya si Mrs. Duquez ay nakakunot ang noo nito na tila ba hinihintay siyang dugtungan ang sinabi niya. "--gusto ko siyang..uhm ano.. gusto ko kasi siya!" bigla niyang nasabi.
Sa isip-isip ni Adie ay sinasakal na niya ang sarili sa sinabi niya.
Shet naman! Naturingan pa naman akong literary writer tapos iyong cheap na reason na iyon ang naisip ko?!
Tumaas naman ang kilay ni Mrs. Duquez sa sinabi niya. Pero kalaunan ay tinanggap narin siguro nito iyon. Kumuha ito sa drawer ng isang papel at iniabot sakanya.
Resumé. Ano'ng gagawin niya rito?
"Fill-up-an mo lahat ng iyan. Sa ngayon, wala tayong magagawa dahil ang alam ni sir Marco ay ikaw ang secretary niya. Pakibigay sa akin sa desk kapag tapos ka na at marami pa akong sasabihin tungkol sa bago mong trabaho."
"Uhm.. Mrs. Duquez?" tawag niya rito.
"Yes? May kailangan ka?" tanong niyo sakanya.
"Pwedeng mag-cr muna? Saan po ba iyon dito?"
"Sa left wing malapit sa elevator."
Tumayo na si Adie at nilakad-takbo ang daan papunta sa cr. Pagkapasok ay agad niyang ni-lock ang pintuan at huminga ng malalim. Jusko po! Anong gagawin niya? Wala siyang balak magpa-alipin sa Marco'ng iyon!
Kinuha niya ang kanyang iPhone at tinawagan ang taong may sala sa sitwasyon niya ngayon.
"My sister-in-law! Ano ang balita at napatawag ka?" bungad sakanya ng ate Alex niya.
"You! You have to help me! Jusko! Ng dahil sayo napasok ako sa sitwasyong hindi ko malusutan!"
"Oh, eh bakit ako ang sinisisi mo sa sitwasyong kinasasangkutan mo?"
"Ate Alex! Dahil diyan sa pagnanasa mo kay Marco--"
"Hep! Hoy,Adrienne! Hindi ko pinagnanasaan si Marco ano! Kuya mo lang ang lalaking pinagnanasaan ko! At tsaka paano napasok si Montello rito?"
"That's the problem! Nandito ako ngayon sa kompanya ng damuhong iyon, at nakita ko narin siya."
"Well that's great! Ano ang ipinuputok ng butsi mo diyan? Edi maganda, ano nakakuha ka ba ng interview sakanya ha?" masayang tanong nito. Mukhang masaya ata si Ate Alex sa binalita niyang nagkita sila ng mystery guy na hinahabol habol ng lahat ng uri ng press.
BINABASA MO ANG
A Love to Report [Fin]
Aktuelle LiteraturBarkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na nakalusot at kusa niyang pinapasok sa kanyang buhay? Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter ❤️...