"Sige na Jane, mauna na ako. At baka umuusok na ang ilong ni Sir Monster." paalam ni Adie kay Jane."May pa Sir Monster ka pa diyang nalalaman eh crush mo naman." asar sakanya ni Jane.
"Hay ewan ko sa'yo! Diyan ka na nga." agad siyang sumakay sa elevator dahil aasarin at aasarin lang siya ni Jane. Dapat talaga hindi niya pinuri yung Marco na iyon sa harap ni Jane eh. Ayan tuloy, pinapatay siya nito sa asar.
Speaking of her boss, naalala niya na hindi pa ito lumalabas sa office nito simula nang dumating ito. Napaisip tuloy siya. Kumain na kaya ito? Bilan niya kaya ito ng lunch?
Pipindutin na niya sana ang ground floor kung saan ang cafeteria matatagpuan pero her point finger stopped halfway ng may napagtanto siya.
"Teka, bakit ba nag-aalala ako dun sa mokong na iyon? Bahala siya sa buhay niya." sabi niya sa sarili.
Pumunta muna siya sa restroom bago pumasok sa opisina ni Marco. Habang naghuhugas siya bigla nalang nag-ring ang phone niya. Inipit niya ang phone niya sa pisngi at balikat niya habang pinupunasan ang kamay.
"Oh Ate Alex. Bakit?"
"Wala lang. Just checking on you." sabi ni Ate Alex sa kabilang linya.
"Checking on me or the project?"
Narinig naman niyang bumuntong-hininga si Ate Alex sa kabilang linya bago magsalita ulit. "I'm just worried Adie. I mean, matatapos na ang dalawang linggo mo. May nangyari na ba? Hindi ka kasi nagrereport sa'kin if there's any progress. What's your plan?" sunod-sunod na sabi nito.
"Relax Ate. I got it all under control. Akong bahala. I thought you trust me?" nilagyan niya ng bahid na pagtatampo ang boses niya.
"Of course I trust you. Kaya nga ikaw ang nilagay ko diyan sa project na iyan eh. It's just that, I really want this bad. Para sa.."
Ate Alex stopped her sentence. Napansin ni Adie iyon na tila may naalala and she knows well.
"Hey Ate. I promise you, your magazine will get this scoop of Montello just like how I will be at that conference in New York. At kapag nakuha natin ang interview I know that your parents would be so proud of you."
Narinig ni Adie ang pagsinghot ni Alex sa kabilang linya tanda na umiiyak ito.
"Thanks Adie. I just wish they were here."
"Hindi man sila nandito physically, I know that they're watching you from above. Huwag ka na malungkot Ate Alex. Ikakasal ka na oh. Basta akong bahala. May plano na ako. Okay? Bye!"
Agad niyang binaba ang phone niya bago pa makapagtanong ulit si Ate Alex tungkol sa sinasabi niyang plano kuno niya.
Napasandal si Adie sa pinto ng isang cubicle doon habang tinignan ang sarili sa salamin. Napapikit siya ng mariin. Sa totoo lang, wala siyang plano.
Malapit ng matapos ang dalawang linggo niyang paninilbihan kay Marco bilang temporary secretary nito. Ano kaya ang pwede niyang gawin to prolong her stay? Hindi naman niya pwedeng tawagin sina Batman,Superman,Spiderman at iba pang heroes na may 'man' sa dulo para humingi ng tulong. All she got is herself and her brain. She needs to think fast. Nandito na siya eh. Malapit na siya sa Montello'ng iyon.
Pero paano? Nalalabi na ang mga sandali niya kasama ito. Iniisip niya palang iyon ay nalulungkot na siya. Which is really weird.
Napapitlag siya ng tumunog ulit ang phone niya. Akala niya si Ate Alex ulit iyon kaya naman sinagot na niya lang nang hindi tinitignan ang screen.
BINABASA MO ANG
A Love to Report [Fin]
Genel KurguBarkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na nakalusot at kusa niyang pinapasok sa kanyang buhay? Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter ❤️...