"Ang bagal mo naman!" reklamo ni Adie kay Marco."Sandali lang naman kasi.. ang bilis mo maglakad." hingal na hingal na sabi ni Marco.
"Eh kasi baka maubusan tayo ng upuan. Tara na!" hila na niya kay Marco papasok sa loob ng simbahan.
Nakahanap sila ng upuan malapit sa malaking electric fan sa may gilid. Sa sobrang dami kasing taong nagsisimba kaya medyo may kainitan sa loob ng simbahan ngayon. Sakto lang ang dating nila dahil makalipas lang ng ilang minuto ay nag-umpisa na ang misa.
Tahimik lang na nakikinig silang dalawa sa sermon ng pari na tungkol sa pagpapatawad. Sumusulyap si Adie kay Marco na tahimik na nakikinig na animo'y may malalim na iniisip.
Matapos ang higit sa isang oras ay nagsilabasan na ang mga tao, pero nanatili muna sila ni Marco sa loob dahil ayaw nilang makipagsiksikan sa mga tao.
Napansin ni Adie na tahimik lang ang kasama niya. Mukhang nasaniban ito ng anghel. Hindi rin nakaligtas sa radar niya ang grupo ng babae na naghahagikhikan sa gilid nila. Halatang nagpapa-cute ang mga ito kay Marco. Napataas tuloy ang kilay niya.
Jusko,Lord. Ayoko po magkasala lalo na't nandito parin ako sa tahanan mo.
Huminga siya ng malalim at tsaka mabilis na inangkla ang braso kay Marco. Napatingin naman sakanya ang lalaki, pagkatapos ay sumulyap sa gilid nito. Maya-maya'y naramdaman niya ang braso nito na pumalibot sa balikat niya. Mukhang na-gets nito ang gusto niyang iparating sa mga babaeng mga haliparot.
Grabe! Simbang landi ang ginagawa ng mga ito. Hindi na nahiya kay Lord!
"May pagka-possessive ka pala." bulong ni Marco sakanya na hindi nakaligtas para pagapangin ang mumunting kuryente sa katawang lupa niya.
"Tumigil ka diyan, Marco. Ayoko magkasala. Kakasimba palang natin." bulong niya pabalik.
She heard him chuckle beside her. He suddenly stood up, and reached for her hand. He intertwined their hands together and they both went out leaving those girls sigh with envy.
"Teka.. tara muna doon." sabay turo ni Adie sa bilihan ng mga kakanin at sweets tulad ng yema. Nagpahila naman si Marco sakanya.
"Ate, magkano isang balot ng yema?" tanong niya sa tindera.
"Thirty pesos lang, ganda." sagot naman nito.
"Twenty-five nalang,ate. Apat na balot naman bibilin ko." tawad niya rito.
"O siya, sige. Apat na balot ba?" tanong nito sakanya.
"Oo, at tsaka pabili rin nitong biko ninyo." dagdag niya pa.
Habang naghihintay sila, kinuha na ni Adie ang isang balot ng yema na binili niya. Binigyan niya si Marco, at iniumang ito sa tapat ng bibig nito.
"No thanks." tanggi nito sakanya.
"Arte mo ah. Buti nga binibigyan pa kita eh. Hala kainin mo iyan, masarap iyan." sabay lapit pa ulit sa bibig nito.
"Mamaya nalang. We haven't eaten our lunch yet. Baka sumakit ang tiyan mo niyan."
"OA nito. Buksan mo na iyang bibig mo at nangangawit na ako dito. Hindi raramble ang tiyan mo sa isang yema." pilit niya rito.
Sa huli, isinubo narin nito ang yema na binibigay niya. Pagkatapos niyang bayaran ang binili niya ay naglakad na sila sa parking malapit sa simbahan. Pagkapasok niya sa kotse ni Marco ay isinabit niya sa rearview mirror ang sampaguita'ng pinakyaw niya sa batang nagtitinda kanina. Umalingasaw sa buong sasakyan ang mabangong amoy na hatid ng sampaguita.
"Masyado namang madami iyang sampaguita na binili mo." komento nito habang inistart na ang kotse.
"Kawawa naman yung bata, ang init-init nagtitinda. Pinakyaw ko na para makauwi na."
"Ang bait." biro nito sakanya.
"Mabait talaga ako. Kaya nga, kahit hindi ko naman trabahong tulungan ka, heto ako at pinairal ang pagka-anghel ko at tutulungan ka."
"Dapat na ba ako magpasalamat?" natatawang tanong nito.
"Pakainin mo muna ako at tsaka ko iisipin ang sagot sa tanong mo."
"Saan mo ba gusto kumain?" tanong nito sakanya.
-----
"Dito? Dito mo gusto kumain? Sure ka?" pangatlong beses na itong itinatanong ni Marco kay Adie, at tatlong beses narin niya ito'ng sinasagot.
"Isa pang tanong at tatamaan ka na sa akin." natatawang sagot niya rito.
"Oh! Ayan na..teka!!! May huli ako!" sigaw niya. Mabilis niyang pina-ikot ang fishing rod niya at nakahuli siya ng isang malaking tilapia.
Dito niya dinala si Marco. Sikat itong kinakainan nila dahil ikaw mismo ang huhuli ng kakainin mo pagkatapos ay ipapaluto mo sa loob ng restaurant. Yun nga lang, kalaban mo ang init at lansa ng mga isda pero hindi niya alintana iyon dahil nakaka-enjoy naman. Pero iba si Marco, hindi ata ito sanay sa ganitong lugar.
Inilagay niya sa malaking timba ang nahuli niya. So far, may nahuli na siyang dalawang tilapia. Si Marco naman ay nakamasid lang sa kanya na halatang naiirita na dahil tagaktak na ito ng pawis.
"Pwede na ba tayo pumasok sa loob?" inis na tanong nito sakanya.
Dahil naiinis narin si Adie rito ay padabog niyang binigay ang fishing rod dito. "Oh! Hindi tayo papasok hangga't wala kang huli." mataray na sabi niya.
"Ikaw na.. magaling ka naman sa paghuli eh." reklamo nito.
Konti nalang talaga, mauubos na ang pasensya niya rito. Kasisimba niya lang pero pakiramdam niya magkakasala siya dahil sa inis kay Marco. Aba, hindi lang naman ito ang naiinitan. Hindi lang naman ito ang nagugutom na.
"Baka nakakalimutan mo, sa'kin ka humihingi ng tulong. The least you could do is to get a goddamn fish for me!" inis na sigaw niya rito.
"Baka nakakalimutan mo rin,Adie.. boss mo parin ako. At tsaka papaswelduhin naman kita ah. I just don't get you. Sa lahat ba naman ng magagandang restaurants na nagkalat sa bansa eh dito mo gustong kumain!" balik sigaw nito sakanya.
"Edi umalis ka! Leche! Napaka-arte mo!" sigaw niya rito sabay walk-out.
"Adie!" rinig niyang tawag nito sakanya.
Bahala na siya sa buhay niya! Ang arte arte! Nakakabuwisit!
----------
FOLLOW ME @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)
BINABASA MO ANG
A Love to Report [Fin]
General FictionBarkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na nakalusot at kusa niyang pinapasok sa kanyang buhay? Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter ❤️...