Dali-daling pumasok si Marco sa sasakyan niya para mataguan ang makulit na babaeng reporter na habol ng habol sakanya. Buti nalang tinted ang kotse niya kaya hindi siya makikita mula sa labas. Tinignan niya ang sariling itsura sa salamin at tagaktak na pala ang pawis niya sa noo. Kinuha niya ang kanyang panyo at pinunasan ang sarili.Napabalikwas si Marco sa kanyang inuupuan nang bigla nalang may kumatok sa bintana niya. Napapikit nalang siya ng mariin ng makita ang babaeng reporter na kanina pa habol ng habol sakanya.
Seriously?!
The girl is freaking the hell out of him! Kahit saan siya pumunta, nandoon ito. Parang stalker. No, scratch that. Stalker talaga ito!
"Marco! Marco!" sigaw nito mula sa labas.
Ibinaba ni Marco ang bintana ng kotse niya. Naiinis narin kasi siya sa makulit na babaeng ito. Isa lang ito sa mga naghahabol sakanyang mga reporters. He knows the deal. Siya ang number one prey ng mga reporters dahil tinagurian na siyang 'mystery guy' ng mga ito.
"Miss, I told you hindi ako nagpapainterview kaya please leave me alone!" mariing sabi niya rito.
"Sir Marco, sige na naman po. Konting tanong lang ito.." tapos itinapat na nito ang isang recorder sa may bibig niya na tila naghihintay siyang magsalita.
"Leave.Me.Alone!" he stressed every word he said.
"Sir--!"
Bigla nalang niya pinaharurot ang sasakyan niya at iniwan ang babaeng reporter na iyon. Dumiretso siya sa pagtatagpuan nilang magbabarkada. Kababalik lang kasi ni Jeremie at Colyn galing sa kanilang one-week honeymoon ng mga ito at gustong makipagkita sakanilang lahat.
Nakipagkita ang mga ito sa ibang restaurant. Hindi ito pagmamay-ari ni Jeremie kaya ipinagtaka nilang lahat kung bakit sa ibang restau pa gusto makipagkita ng mga ito. Pagpasok ni Marco sa restau naagaw agad ng pansin niya ang glass na sahig nito at underneath it may mga lumalangoy na mga iba't-ibang klase ng isda. Also, the glass walls has this illusion na parang falling water. Meron ding stage ang restau at may kumakantang babae. Nakita agad ni Marco ang mga kaibigan. As usual, alam na ni Marco na siya ang pinakahuling darating.
"Ambushed?" tanong agad sakanya ni Mico.
"Yeah." sagot niya at inabot ang tubig sa harap niya. Narinig naman niyang tumawa ang barkada dahil alam ng mga ito kung ano ang tinutukoy niya.
"Hindi ka parin tinitigilan ng babaeng reporter na 'yun? Tagal na niyan ah. Mag-dadalawang buwan na." sabi ni Jeremie na akbay ang asawa nitong si Colyn.
"Ewan ko ba. Naiinis na nga ako eh."
"Bakit 'di ka mag-file ng TRO? You know, para hindi na makalapit sa'yo." suhestiyon ni Colyn.
"Sus, si Marco pa! Kapag nag-file iyan ng TRO lalo lang gugulo ang buhay niyan. Siyempre pagpe-piyestahan nanaman siya ng mga press." singit ni Dylan.
Siyempre, naisip na ni Marco ang Temporary Restraining Order. Hindi naman siya tanga para 'di maisip iyon. Kaya lang isinantabi na niya ito dahil alam niyang mas lalo siyang hahabulin ng press na pinaka-ayaw niya talaga!
"Kawawa ka naman 'pre." asar sakanya ni Vin.
"Ulol." sabi nalang niya.
Nagsimula ng ihain ang mga inorder nila. Masayang nagkwentuhan lang sila tungkol sa mga nangyari sakanila ng isang linggo. At siyempre, ang bagong kasal na sina Jeremie at Colyn ay tila may sariling mundo.
BINABASA MO ANG
A Love to Report [Fin]
General FictionBarkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na nakalusot at kusa niyang pinapasok sa kanyang buhay? Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter ❤️...