My Batman

6.1K 68 8
                                    

My Batman

by: Qwerties07

Main Characters: 

Julia Montes

Daniel Padilla

~~~

Prologue:

Alam niyo ba ang feeling na may mahal kang tao pero hindi kayo pwede..? Parehas naman kayong single pero hindi naman kayo magkatuluyan.. Magkaibigan naman kayo at palaging naguusap kung baga sa magkaibigan sobrang dikit niyo na pero parang ang layo layo niyo sa isa't isa. Alam mo lahat ng sikreto niya pero parang di mo pa siya kilala masyado. Ang gulo no?

Tama, sige totoo magulo talaga,, pati nga ako naguguluhan sa sitwasyon namin eh. Ganito talaga siguro ang buhay, di mo alam ang lahat.. Mahal mo siya pero di kayo pwede.. mahal mo siya pero may iba siyang gusto.. mahal mo siya pero harap harapan niyang pinaparamdam sayo na di kayo pwedeng magkatuluyan kasi nga BESTFRIENDS lang kayo.

Lintek na BESTFRIENDS lang no! Ang hirap ng ganito.. Andito naman ako para sa kanya lagi, andito naman ako at palagi ko siyang pinapatawa pero bakit ganun? At the end of the day, iba ang babaeng nasa puso niya.. iba ang babaeng minamahal niya.. iba ang babae na nagpapasaya sa kanya.. iba ang babaeng minamahal niya.. 

i just wanted you to be MY BATMAN. 

~~~

Masaya ako sa tuwing kasama ko siya.. Napapasaya niya ko kapag malungkot ako.. Inaalagaan ako kapag may sakit ako at ang pinakaimportante sa lahat Minamahal niya ako kahit di ko naman siya mahal. 

Alam ko naman at nararamdaman ko yung pag-ibig niya para sakin pero di ko pa din siya masuklian ng pag-ibig.. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya eh.. mahal ko siya bilang kaibigan, ayoko pa sa ngaun na magkaroon ng special feelings sa kanya, kung meron man pipigilan ko dahil may isang babae na kong minamahal at yun ang girlfriend kong si Kathryn Bernardo wala ng iba.. kundi siya

Di ko pa alam kung sakaling mainlove ako sa bestfriend ko.. bahala na.. bahala na si Batman! Ang tanging hiling ko lang naman ay may tumawag sakin at angkining ako bilang kanyang Batman.. at tawagin akong

MY BATMAN! 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

THIS IS JUST A FANFICTION. For JulNiel out there! ;) 

My BatmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon