Chapter 16: Sawi

984 35 0
                                    

Nadine POV

Hay naku buti naman tapos na ang P.E subject namin. Thank God saturday na bukas. Hahaha ang bilis no nakasurvive na kami sa first week namin.

Naglalakad kami papunta sa locker room namin para magpalit ng damit. Kasi pawis na pawis kami.

" Oh guys ano bukas ah." Sabi ni Liza.

" Oo nalang." Walang ganang sabi ni Yas.

" Oh bat ang tamlay mo bakla?." Tanong ni Kath.

Oo nga ba't ang tamlay nitong baklang to.

" Wala bad trip lang." Walang ganang sagot ni Yas.

" Hay naku bakla hindi ka ba nag-enjoy sa P.E natin di ba favorite subject mo yun?." Tanong ni Liza sakanya.

Nasa tapat na kami ng locker  namin para kunin yung pangpalit namin.

" Wala." Malungkot na sabi ni Yas.

" Hay naku Baby Yas kung ano man yang iniisip mo nega gawin mo positive para good vibes diba." Sabi ni Kath.

Pumasok kami sa girls room para maligo.

" Hay pahinga muna tayo." Sabi ko sakanila.

Umupo ako sa mahabang upuan at sumandal sa wall.

" Hay una na ko sa c.r para makaligo na ko eh punuan niyan mamaya." Sabi ni Liza.

Pumasok na rin kami tatlo sa mga C.R para makaligo..

After 20 minutes na tapos kaming tatlo .. Si Liza kasi nauna siyang natapos sa amin eh.

Kung natatanong niyo ano na nangyari sa amin ni James. Gusto niyo ba malaman?

Ang mga nangyari sa amin.. Okay lang naman balik sa dati. Ewan ba't iniiwasan niya ko.. 😢.... Ang sad life nga eh... Pero okay lang yun crush lang naman eh..

" Oh guys ano taralets." Sabi ni Kath.

Lumabas na kami sa girls room habang naglalakad biglang nagsalita si Yasmin.

" Ba't ganun no bakit nagpapakita pa sila ng motibo pero hindi ka naman nila sasaluhin papaasahin ka lang nila." Bitter na sabi ni Yas.

May pinagdadaanan ba to? Daig pa ko eh. Makahugot wagas.

" Bakla may pinagdadaanan ka ba?." Tanong ni Kath.

" Ah.. Wala.." Gulat na sabi niya.

Parang may mali eh hindi naman ganyan si Yas masigla yan pero ngayon ang tamlay.

May pinagdadaanan nga ba siya?.

Yasmin POV

Pagkatapos ng P.E namin wala talaga akong gana. Lumilipad ang utak ko. Nandito nga ako pero ang isip ko naiwan sa bahay. Kahit anong gawin ko hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang nangyari noong Monday.

Flashback

Pagkatapos ako iuwi ni Andrei  agad ako pumanhik sa kwarto ko. Excited kasi ako makausap siya. Binuksan ko agad ang laptop ko at sakto may tumatawag sa skype.

Thank you Papa Lord siya ang tumatawag. Gusto kong tumalon sa sobrang tuwa.

Inaacept ko ang kanyang tawag.

" Hai." Sabi niya.

" Hello."  Sagot ko. Kinikilig ako pero hindi ko yun pinapakita sa kanya.

" Oh kamusta ang first day mo?." Ang tanong niya.

" Okay naman." Sabi ko sakanya.

" Oh ikaw kamusta?." Tanong ko sa kanya.

" Okay lang." Malungkot na sabi niya.

My Highschool CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon