Chapter 28: Meet Don Albert and Don Miguel Part 2

530 16 0
                                    


James Fritz POV

Pauwi na'ko galing sa school. Ilang text na rin ang nareceive ko kay Jack. Nasa bahay na daw si Lolo. Hay bakit kailangan niya pa'ng dumating. Kung saan maganda na ang takbo ng buhay ko.

"Sir ang lalim ata ng iniisip niyo?." Tanong sa'kin ni Mang Sol.

"Ahmm.. wala naman po. Iniisip ko lang po yung gagawin ko sa school." Pagsisinungaling ko.

"Haynaku, sir kilala na po kita. Magmula ng maghighschool ka sir ako na po ang naging driver niyo. Kilala ko na ang mga bawat kilos niyo sir." Saad ni Manong Sol.

Hay tama nga siya. Kilala niya na talaga ako.

"Mang Sol huwag niyo na'ko isipin. Mag-drive na lang po kayo diyan." Sagot ko sakanya. Ayaw kong problemahan niya pa ko. Nakakahiya naman.

"Na'ko sir alam ko na ang iniisip niyo. Si Don Albert po ba?." Tanong niya sa'kin.

Ano pa ba ang magagawa ko alam na niya. Kaya hindi na'ko magpapaligoy-ligoy pa.

"Opo Mang Sol." Saad ko.

Yumuko ako at pinaglaruan ko ang cellphone ko sa kamay ko.

"Ayun tumpak sir. Tama nga ang hinala ko na si Don Albert ang iniisip niyo. Hay sir problemado kayo kasi nandiyan ang lolo." Saad ni Mang Sol.

Tumango ako. "Opo,problemado ako kasi baka pilitin na niya ko sa hindi ko gustong gawin." Saad ko. Alam naman ni Mang Sol ang dahilan kung bakit ayaw ko na nandito ang lolo ko.

"Hay,sir wala ta'yong magagawa. Yun ang gusto ng lolo niyo." Saad niya.

"Pero ayaw ko pa rin may sarili akong buhay. At may mga gusto akong pangarap. Hindi ang mga gusto niya. Hindi ako alipin na sunud-sunuran sa mga gusto niya. Apo niya ko hindi alipin." Inis na sagot ko.

"Oh sir ang puso niyo. Pero sir kailangan niyo pa rin respetuhin ang mga desisyon ng lolo niyo. Pero kung may magagawa pa kayo paraan. Gawin niyo na habang maaga pa. Kausapin niyo ang daddy niyo. Para kapag nag-usap sila ng lolo niyo. Kokontrahin siya ng daddy niyo." Saad ni Mang Sol.

Kakausapin ko si Papa. Ayaw ko may makialam sa mga pangarap ko at may mag-utos sa buhay ko. Dahil buhay ko'to hindi nila ito mahahawakan. Dahil alam ko may plano pa ang panginoon sa'kin. Dahil alam ko kung anong gusto ko sa buhay.

Huminga na lang ako ng malalim. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Hay bahala na nga.

Sa malalim na pag-iisip ko hindi ko namalayan tumigil na ang kotse. Kinatok lang ni Mang Sol ang bintana. Kaya nabigla ako.

Tumingin ako sa paligid nasa harap na kami ng bahay.

Binaba ko ang window. At narinig ko na ang sinasabi ni Manong Sol. "Haynaku, kaya pala wala kang imik kanina pa. Malalim pala ang iniisip niyo. Naku huwag munang isipin ang lolo mo. Hala bumaba ka na diyan. Mukha kayo na lang ang hinihintay nila." Saad ni Manong Sol at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Maraming salamat Mang Sol." Saad ko.

"Walang anuman sir. Basta kayo, nandito po lagi ako sa tabi niyo." Saad niya.

"Kayo talaga Mang Sol. Sige po pasok na ho ako. Yung kotse po mamaya niyo na lang iparada sa garahe. Mukha po kasi nasa garahe ang kotse ni Lolo." Saad ko. Dahil ang mga ibang kotse nasa labas at ang kotse ni lolo nasa garahe na siguro.

"Sige sir at papasok na rin ho ako." Saad ni Mang Sol. Tumango na'ko at dumeritso gate namin. Nasa harap ng gate si Mang Onyok.

"Magandang gabi po sir." Bati sa'kin ni Mang Onyok.

My Highschool CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon