Someone's POVTatlong araw na ang pagseselebrasyon ng William Academy ang kanilang Intrams. Busy ang lahat dahil may labanan na magaganap. Ang bawat baitang ay maglalabanan.
Kaya halos makikita mo ang mga bawat estudyante may kanya-kanyang dala na gamit na gagamitin nila sa pagchecheer nila.
Ang unang labanan ay cheer dance. Naghahanda na ang mga representatives ng bawat baitang.
Lahat ng estudyante ay nagsisigawan sa bawat pambato nila.
Yasmin POV
Ang daming laban na ang pinagdaanan ko sa cheer dance pero kinakabahan pa rin ako.
"Oh ready na ba kayong lahat Seniors?." Tanong ng coach namin.
"Yes coach!." Saad ng mga kasama ko.
Haytsss.. Wala pa naman akong masyadong practice ngayon kasi busy dahil isa ako sa leader ng eskwelahan na ito.
"Yasmin okay ka lang?." Tanong sa'kin ng isa kong ka-miyembro na babae.
"Ah, Oo okay lang ako." Saad ko.
Buti hindi ako naging flyers ngayon kundi mas kakakabahan ako.
"Oh tayo na raw mga Seniors." Saad ni Coach.
Hay, Lord kayo na po bahala.
Nadine Angelica POV
Grabe puno ang Gym ngayon. Talagang support na support sila sa bawat team nila.
"Grabe talaga ang ingay 'noh." Saad ni Kath.
Naglalabanan ang mga cheering squad ng bawat baitang.
"Balita ko daw sis hindi magpapatalo ang mga grade 10 sa mga seniors." Saad ulit ni Kath.
"At saan mo naman napulot 'yan aber?." Saad ni Liza.
"Siyempre may kaibigan ako sa cheering squad ng grade 10." Saad ni Kath.
"Taksil siya ganun kasi siyempre senior ka tapos sasabihin niya sayo yung pasabog niya." Saad naman ni Liza.
Chismisan 101. Samantalang ako excited makita si Yasmin.
"Siyempre di ko naman sasabihin kung anong pasabog nila." Saad ni Kath.
Si Kath talaga maraming kaibigan samin.
"Hmmm.. Basta ako seniors." Saad ni Liza.
Hay, nakakasakit ng ulo ang mga kaibigan ko.
"Bakit may sinabi ba ko na juniors ako?." Inis na saad ni Kath.
Napailing nalang ako sa kanila. Pati naman yan pinag aawayan nila.
"Oh, ano ng nangyari dito?." Saad bigla ni Miguel.
May dala-dalang pagkain.
"Wala, nag uusap lang kami kung anong mangyayari sa cheering squad." Saad ni Liza.
Umupo sa tabi ko si James may dala din siyang snacks.
"Nadine para sa'yo." Biglang abot sa'kin ni James na isang cheese burger and coke float.
Nabigla ako kasi di naman ako nagpabili tapos ito biglang may snacks ako. Nakakahiya naman sa kanya pero napaka gentleman talaga niya, hay. A
"Salamat." Nahihiyang saad ko.
Kahit nahihiya kong kunin, kinuha ko pa rin kasi nakakahiya naman kung tatanggihan mo siya ng nagbigay ako pa ang pakeme.
"Walang anuman." Nakangiting saad niya.
BINABASA MO ANG
My Highschool Crush
FanfictionAuthor POV Etong story na to ay kathang isip lamang.Pero may pinaghuhugutan ako para mabuo an kwento na to. Sabi nila ang Crush ay Puppy Love. Paano kung ang Crush mo siya ang True Love mo o Great Love mo? .... May Dalawang kabataan na may crush sa...