Chapter 32- Missing?

314 8 1
                                    


Yasmin POV

"Tita maraming salamat po." Saad ko.
Natapos ang lahat. Hindi namin namalayan na alas'sais na pala. Kwentuhan lang magdamag at kain.

"Walang anuman anak. Bumalik ka dito sa susunod. Oh, Dash hinahatid muna si Yasmin. Para makapagpahinga na siya." Saad ni Tita.

Ang sarap nilang kasama. Walang halong kemerut.

"Opo, Ma tara na Yasmin ihahatid na kita sa inyo." Saad ni King Dash.

"Tita, Tito, Queenie mauna na po ako. Salamat po ulit." Saad ko.

Tumango naman sila. "Ate Yasmin balik ka ulit." Saad ni Queenie.

Nginitian ko siya. Means babalik ako dito.

"Anak mag-ingat ka." Saad ni Tito.

"Opo Pa." Saad ni King Dash.

Pinagbuksan ako ni King Dash. "Salamat." Saad ko. At pumasok na sa kotse. Umikot naman siya papunta sa driver seat.

Pinagbuksan kami ng gate ng isang katulong nila.

"Alam mo nakakaenjoy kasama ang pamilya mo." Biglang saad ko.

Tinignan ako ni King Dash at sabay ngiti. Sabay harap ulit sa dinadaanan namin.

"Tsss, ngiti lang ang sagot." Saad ko.

"Eh wala naman akong masabi." Saad niya.

"Okay, izizipper ko na lang ang bibig ko." Saad ko.

Ang ginawa ko na lang ay tinignan ang mga lugar na dinadaanan namin. Mukha kasing ayaw magsalita ng kasama ko. Buong biyahe walang nagsalita sa aming dalawa. Sanay naman akong tahimik. Ewan na lang sakanya.

Lumipas ang daang oras. Joke lang naman.

Nandito na kami sa harap ng bahay namin.

"Salamat sa paghatid ah. Sorry kung nakaistorbo ako sa 'inyo." Saad ko.

"Okay lang naman. Sige pasok ka na sa loob." Saad niya.

"Hindi ka na ba papasok sa loob. Gusto mo ng maiinom?." Tanong ko.

"Hindi na, okay lang naman." Saad niya.

"Okay, Siguro okay na' yun ba'ka may mangyari pa sayo sa daan." Saad ko.

"Sige hihintayin na lang kita sa pagpasok mo sa loob." Saad niya.

"Okay." Saad ko.

Nagdoorbell na'ko.

*Ding*Dong*.......

Nagbukas ang gate namin. Nagulat ako si Migz ang nagbukas. Himala siya ang nagbukas.

"Saan ka galing?." Tanong niya sa'kin.

Tsss.. Epal.

"Ahmmm.. Yasmin una na'ko ah." Biglang saad ni King Dash.

Kaya lumingon ako sa kanya.

"Sige ingat." Saad ko.

Pumasok na siya sa kotse niya. Kinawayan ko siya. At kumaway din siya.

Hanggang sa nakaalis na siya. Kaya papasok na sana ako sa loob pero nandito pa 'tong mogo na ito.

"Sino 'yun?." Tanong niya ulit.

"Alam mo Migz wala ka na'ng paki kung sino 'yun at kung saan ako pumunta." Saad ko.

Tapos pumasok agad ako sa loob. Pumunta na'ko sa kusina kung may luto ng pagkain.

My Highschool CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon