Special Chapter: Ang paghahanap ng tunay na pag-ibig

386 11 7
                                    

Humarap si Leonora sa salamin ng cabinet at sinabi ang mga katagang "Leonora ito na ang iyong bagong buhay."

Isang buwan lumipas naging maayos sa ng buhay ng prinsesa. Naging masaya siya sa pagiging simpleng tao. Sa isang buwan niya nanirahan sa bukid. Marami siyang nakilalang mga tao. Naramdaman niya rin ang tunay na pag-ibig sa mga tao nakapaligid sa kanya ngayon. Naging maayos din ang samahan nila ni Nicholas.

Nasa bukid sila ngayon kasama ang mga kasamahan ni Lola Rosa sa pananahi. May malaking kubo sa bukid para sa mga kababaihan sa pananahi nila. At ang mga kalalakihan naman ay nagtratrabaho sa bukid.

"Alam mo Lea napapansin ko lang ah. Nagkakaayos na kayo ni Nicholas." Saad ni Aling Nina na isa sa mga mananahi.

"Ah madali naman po talaga pakisamahan si Nicholas. Sa umpisa opo mahirap pero may taglay po talaga siya kabaitan." Masayang saad ng prinsesa.

"Bagay kayo dalawa ni Nicholas." Saad ng isang samahan nila sa mananahi.

Namula naman ang prinsesa sa sinabi ng kanilang samahan.

"Kayo 'ho talaga hindi naman po." Saad ng prinsesa.

"Maganda ka, mabait, makinis, lahat ng katangian na sa'yo na Neng." Saad ulit ng samahan nila.

"Hay, kayo ho talaga tama na po yan. Nakakahiya kay lola Rosa." Tumingin ito sa matanda. Ngunit nakita niya si Lola Rosa nakangiti.

"Naku Lea walang problema sa'kin kung magkakatuluyan kayo ng apo ko. Bagay naman kasi kayo ni Nicholas. At alam ko kapag ako'y lumisan sa mundong ito. Alam ko na nasa mabuting kamay ang apo ko." Saad ni Lola Rosa.

My Highschool CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon