Chapter 27: Meet Don Albert / Don Miguel

632 16 0
                                    


Nadine Angelica POV

Nauna ng pumasok si Alyana sa'kin. Dahil hihahatid ako ni papa papuntang school. Nasa dining room pa kami.

"Anak ,mukhang ang tahimik mo ah." Saad ni Mama.

Kumakain pa sila ni Papa at ako tapos na.

"Hmmm. hindi naman po Ma. Wala naman po kasi akong sasabihin eh." Saad ko.

Ang totoo niyan iniisip ko ang pagdating ng lolo ko.

"Anak,may gumugulo ba sa isipan mo?." Tanong naman ni Papa.

Meron si lolo,nais kong sabihin pero. Arghh.. Huwag na lang.

"Wala po talaga." Sagot ko.

Hay,nakakastress.😥

"Okay,tara hihahatid nakita." Saad ni Papa. Tumayo na si Papa at tumayo na rin ako. Kinuha ko ang gamit ko sa katabi upuan ng inuupuan ko.

"Bye ma." Paalam ko kay mama at sabay halik sa pisngi niya.

"Bye anak,ingat ah." Saad niya. Tumango naman ako. Si Papa naunang pumunta sa labas. Kaya tumungo na'ko papuntang garahe.

"Good Morning Ma'am Nadine." Bati ng hardinero namin.

"Good Morning din po." Masayang bati ko.

Tumuloy na'ko sa garahe at nakita ko si Papa na nasa loob na ng kotse. Pagkalapit ko sa kotse ,binuksan ni papa ang pintuan ng passenger seat. Ako naman ay sumakay na at sinara ang pintuan ng kotse. Pinaandar na ni Papa ang kotse at pinagbuksan naman kami ng hardinero namin ng gate para makalabas na kami.

At tuloy na ang biyahe namin papuntang school.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko para makapag social media ako. Nakakabored kasi sa loob ng kotse.

Habang busy ako sa kakascroll sa IG biglang nagsalita si papa.

"Anak,iniisip mo ba ang pagdating ng lolo mo." Biglang saad ni Papa.

Naalis naman ang tingin ko sa cellphone ko. Bumaling ako kay papa.

"Hmmm.. Opo Pa." Saad ko. Hindi na'ko nagsinungaling dahil mukhang nabisto na'ko ni Papa.

"Iniisip mo pa rin yung sinabi niya sa'yo?." Tanong sa'kin ni Papa.

Oo. Hindi natanggal sa isip ko yun. "Opo Pa, hindi po naalis sa isipan ko yung sinabi ni Lolo." Sagot ko.

"Anak,huwag munang isipin ang sinabi ng lolo mo. Basta follow you're heart." Saad ni Papa.

"Eh Pa,baka magalit si Lolo kapag hindi ko po sinunod ang gusto niya." Sagot ko ulit. Hay alam ko si Lolo kay ate nga nakialam siya. Ako pa kaya.

"Gusto mo ba ang law?." Tanong sa'kin ni Papa.

Ayaw kong maging attorney ba lang araw. Gusto ko maging photographer.

"Ayaw ko Pa,pero wala na'ko magagawa yun ang gusto ni Lolo. Tignan mo si Ate kahit ayaw niyang maging doctor. Sinunod niya pa rin si Lolo." Saad ko.

Oo ang kurso ng ate cj ko ay doctor (cardio). Pero ang gusto talaga ni ate ay mag drawing. Pero hindi nasunod ang gusto niya.

"Anak,kaya nga huwag mo'ng gayahin ang ate mo. Sundin mo ang nilalaman ng puso mo. Ako ang bahala sa lolo. Napagbigyan muna siya sa pagiging writer mo sa company publisher na'tin kaya huwag muna sundin ang mga ibang gusto niya para sa'yo." Saad ni Papa.

Ewan gulong-gulo pa ko ngayon. Malayo pa naman ang college life ko. Nasa highschool life pa lang naman ako.

Hindi ko na sinagot si Papa. Bahala na si superman diyan. Hanggang nakarating na kami sa school.

My Highschool CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon