Chapter 41- Representative in Ms. Intrams

120 3 2
                                    


Nadine Angelica  POV

Umagang-umaga ang tamlay mo. Gusto ko pa rin humilata sa bed ko. Pagod ka na, puyat ka pa.

Wala pa rin akong tulog. Sobrang busy sa pag-aayos sa intrams.

Papasok pa lang ako sa school. Low energy na 'ko. Hindi ko na nabati yung mga guards sa sobrang antok ko.

Hindi ko na rin napapansin kong anong nangyayari sa mga kapwa estudyante ko.

Parang gustong pumikit na lang mga mata ko.

"Ms. Nadine, Ms. Nadine!." Tawag sa akin.

Sino naman kaya 'yun?. Tumingin-tingin ako sa buong paligid.

"Ms. Nadine!." Tawag niya ulit.

Napansin ko na nasa likod pala siya. Isang lalaking grade 10.

"Ahmmm.. Anong kailangan mo, may problema ka ba?." Tanong ko.

Kasi ba'ka may problema siya. Siyempre ako ang president nila kaya tungkulin kong tumulong sa kapwa estudyante ko.

"Ah, wala po akong problema. Kanina pa po kasi kayo pinapahanap ni Ma'am Bamba." Saad niya.

Napakunot ang kilay ko. Bakit naman ako ipapatawag ni Mrs. Bamba.

"Ah, bakit daw?." Natatakang tanong ko.

"Ewan po, basta po pumunta po daw kayo sa mapeh faculty. At kakausapin po kayo." Saad niya.

Napaisip ako kung para saan ba, bakit niya pinapatawag.

"Ah, sige thank you. Pupuntahan ko na siya." Saad ko.

Ngumiti naman siya.

"Walang anuman po Ms. President. Mauna na po ako." Saad niya.

Tumango na lang ako.

Pagkatapos nag-umpisa nang pumunta sa mapeh faculty.

Nagmessage ako kay James na malalate lang ako ng ilang minuto.

From: James

James pakisabi sa mga kaibigan natin na malalate lang ako sandali.

Sent.

Sana mabasa na lang ni James.

Ilang segundong lumipas..

Nandito na'ko sa mapeh faculty. Kumatok muna ko bago ko buksan.

Nakita ko si Ma'am Bamba at yung dalawang co-teacher's niya.

"Good morning po." Magalang na bati ko.

"Nadine finally you're here. Thankful ako nakita ka ni Jayson. So take a seat anak." Saad ni Ma'am Bamba at tinuro niya kung saan ako uupo.

Umupo ako sa upuan na kung saan ang tinuro ni Ma'am Bamba.

"Nagtataka siguro kung bakit ka namin pinatawag Ms. Balatbat." Saad ng isang co-teacher ni Ma'am Bamba, si Mr. Roxas na isang gay.

"Hmm... Opo sir Roxas." Saad ko.

Kinakabahan kasi ako eh.

"Actually kaya ka namin pinatawag dahil ikaw ang magiging partner ni Frank sa Mr. And Ms. Intrams. Ikaw ang napili namin para lumaban. Ikaw ang top notcher sa buong school. Kaya alam ikaw ang magiging pambato ng mga senior." Paliwanag naman ni Mrs. Bamba.

Naging speechless naman ako. Iniisip ko pa lang, as in ako talaga?!.

"Ms. Balatbat nandito ka ngayon to audition." Saad ni Ms. Macalino.

My Highschool CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon