CHAPTER 20 - The Sweet Kiss

835 28 18
                                    


Nadine Angelica POV

Kinakabahan ako habang papunta sa lalaki. Hay nakakastress.  Bakit nga ba ginagawa ko eh para lang sa isang stuff toy. Eh makakabili naman ako noon. Tama makakabili naman ako. Tumalikod ako papunta sana sa mga kaibigan ko pero nakita ko sila sa kabila na kinakaway ni Kath si Beemo.

Nak naman oh. Hindi ko matiis alam talaga nila ang kahinaan ko.

Bumalik ako ulit. 

Hay ito na pumasok na ko sa bench.

Papalapit na ko sa guy.  Habang papalapit ako gusto ng lumabas ang puso ko sa sobrang kaba.

Hay eto na..

Aja.

Makakaya ko kaya to. Ahay basta kaya ko to.

Eto na. Hindi ko pa rin siya kilala nakatalikod pa rin siya sa akin.  Sabagay stranger siya paano ko siya makilala.

Kinalabit ko siya.

Saktong pagharap niya ay sabay pikit ng mga mata ko at sabay halik sa kanya.

Sumagot siya sa aking halik. At nabitawan niya ang mga damit niyang pinipili.

Shet ang tamis ng labi niya. At ang lambot.








































Pero teka! .

Minulat ko ang mga mata ko at sa sobrang gulat ko natulak ko siya.

At

Sabay takbo. At iniwan mo siyang nakatutulala.

Shet bat ginawa mo yun. Hindi ba sa pisngi lang.

Oh my gosh nakakahiya.

Hindi ko napansin na nakalabas na ko ng mall.

Nagpara nako ng taxi at sumakay.

James Fritz POV

Pumipili akong mga damit dito sa bench kasama ko ang pinsan ko.

" Kuya doon muna ako sa mga pambata na damit. " Cute na sabi niya.

"  Sige baby ingat ka ah. " Sabi ko sakanya.

" Sige Kuya promise po. " Sagot niya at sabay takbo.

Ang cute talaga ni Princess.

Bumalik ako sa pagpili ng damit at biglang may kumalabit sa akin.

Pagtingin ko.

Bigla niya ko hinalikan. Nanlaki mga mata ko kung sino humalik sa akin at sa sobrang bigla ko na bitawan ko mga damit na pinipili ko.

Shet.

Pero ang sarap niya humalik kaya nag respond na lang ako.

Pero bigla siya nagmulat at tinulak ako. Pagkatapos noon ay tumakbo siya.

Tinignan ko ang mga tao sa paligid biglang - bigla ang mga reaction nila.

Biglang may nagsalitang matandang babae.

" Ang mga kabataan nga talaga ngayon. " Umiiling-iling siya.

" Ahmm.. Sorry po. " Sabi ko sakanila at pinulot ang mga damit.

Nagsibalikan sila sa mga ginagawa nila.

Ako naman hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa niya yun.

Pero shet hindi ko pa rin makalimutan yung matamis na halik niya.

Hinaplos ko ang labi ko at sabay ngiti na parang baliw.

My Highschool CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon