Chapter 43: Intrams- Day 2 Mag-asawa ku'no

147 5 2
                                    

Someone's POV

Pangalawang araw ng Intrams ng William Highschool Academy. Lahat ng estudyante nagsasaya. Walang naging aberya sa lahat ng nangyayari sa Intrams.

Pero may dalawang tao ang hindi pwede maghiwalay sa loob ng school. Dahil isa sila sa mga nabiktima ng wedding booth. Na naganap noong first day ng Intrams.

Flashback

Habang naglalakad ang dalawa pa-palabas ng gym. Tinitignan nila ang kanilang mga kapwa estudyante na bakas sa kanilang mukha ang saya.

"Sobrang laki ng mga ngiti ng mga schoolmates natin." Paninimula ng topic ni James.

"Tama ka, lalo na ang mga freshmen. Tignan mo sila sobrang excited sa mga magaganap." Nakangiting saad ni Nadine.

Naglalakad sila at nagmamansid sa kapaligiran nila.

"Parang tayo rin dati, noong nagsimula tayo bilang freshmen. Sobrang excited na hindi alam kung anong gagawin." Nagbabalik tanaw na saad ni James.

Napatawa naman si Nadine.

"Tama ka, noong sina ate Cj pa ang mga senior noon. Iba ang mga pagimik nila. Kasalanan kasi ng kuya mo eh." Natatawang saad ni Nadine.

Paano ang kuya ni James ang president ng SSG noon ng William Highschool. Iba ang mga pagimik nila noon.

"Tama ka, naalala mo yung gimik nilang truth or dare pag nabunot mo is dare grabe pipili ka sa mga shakes flavor nila. May spicy chili shakes, calamansi shake na sobrang asim, ampalaya shake, or yung exotic shake nila." Saad ni James.

"Oo'nga nahuli kaya nila ako noon. Buti na lang nabunot ko is truth. Nakakadiri yung mga pinapainom nila." Saad ni Nadine.

"Hay, Oo 'nga pinaka epic failed na intrams para sa akin yun. First time pero pinaka unforgettable experience yung intrams natin noong first year tayo." Saad ni James.

"Hay, Tama ka pero siyempre masaya yun. Ngayon tayo na ang nag-isip ng mga pag-gimik para sa Intrams ngayon." Saad naman ni Nadine.

"Oo 'nga at masaya naman ang mga ka-schoolmates natin." Saad ni James.

"Oo nga buti naman okay lang yung mga booth na napili natin." Saad ni Nadine.

"Tama naman yung mga napili natin. Kaysa naman yung gimik noon. Savage yung mga first time pumasok dito." Saad ni James.

"Hahaha, Hindi talaga maka-move on ah." Tawang saad ni Nadine.

"Oo, kaya." Saad ni James.

Hindi nila alam may papalapit sa kanila na dalawang tao para i-chain sila sa wedding booth.

"Kasaya kay-------. " Hindi nabitin sa ere ang sinasabi ni Nadine dahil may naramdaman silang dalawa na malamig na bakal sa kamay nila.

"What the heck!." Gulat na saad ni James.

"Uy, ano 'to ba't niyo kami hinuhuli?." Biglang saad ni Nadine.

"Sorry po president, dahil ang sweet niyong tignan ni vice president. Kailangan niyo pumunta sa wedding booth para ikasal." Saad ng isang lalaking nagposas sa kanila.

"At dahil kinasal kayo ngayon. Hanggang pagkatapos ng intrams dapat kayo nakasuot ng couple shirt at laging suot ang wedding ring niyo." Saad ng babae na kasama ng lalaki.

"At siyempre dahil mag-asawa kayo sa buong week ng Intrams wala dapat iwanan. Siyempre dahil may blind date booth. Siyempre kayo ay couple na lagi kayong magdadate doon. Ang hindi sumunod sa rules may kaakibat na parusa." Saad ng lalaki.

My Highschool CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon