Chapter 39 - Time to Party!!

136 3 2
                                    


Nadine Angelica POV

Lahat ng pinagdaanan namin ngayong week na ito. Sobrang nakakapagod, pagkatapos ng nutrition day namin. Nagsunod-sunod na ang mga pinapagawa ng mga teachers namin. Ngayong August naman noong first week monthly test namin. Pagkatapos ngayon third week final na namin. Nakakastress na parang di ko na kaya.

"Bes hindi ko na kaya ito." Saad ni Kath habang nagrereview sa math.

Sabay-sabay ang mga test namin. Itong week na ito ang pinaka mahirap na pinagdaanan namin.

"Kailangan natin kayanin." Saad ni Liza.

Lahat kami nagrereview. Actually last day na namin sa final. Last na lang is math and physics.

"Anak ng tokwa naman oh. Yung dalawa pa'ng mahirap ang natira." Reklamo ni Lucas.

"Sakit sa ulo ang dalawang 'to." Saad ni Migz.

Physics and mathematics hindi biro ang test dito. Kaya talagang nakaka-haggard.

"Ang daming formula putcha." Saad ni Dan.

"Oo 'nga nakakasakit sa ulo." Saad ni Migz.

"Pagkatapos nito tapos na tayo." Saad ko.

"Truelalu, so party party tayo." Masayang saad ni Kath.

"Ano saan tayo pagkatapos nito?." Tanong ni Lucas.

"Uy, James sa inyo naman." Saad ni Liza.

"Oh, ba't sa amin?." Tanong ni James.

"Saan ba tayo?, sa'nyo na lang James." Saad ni Migz.

"Gagi ka talaga alam muna naman friday ngayon means may padinner kami ngayon." Saad ni James.

"Oo 'nga pala nandiyan pala ang lolo mo." Saad ni Migz.

"Edi sa'nyo na lang." Saad ni Lucas.

"Oo 'nga Yasmin sa'nyo na lang." Excited na saad ni Kath.

"Bahala kayo." Walang ganang saad ni Yasmin.

"Oh, pumayag na si twinny, sa bahay tayo ni'yan." Masayang saad ni Migz.

"Oh sige na back to review muna tayo ba'ka wala tayong makuha kung hindi pa tayo magbabasa." Saad ko.

-----

Someone's POV

Busy lahat ang mga estudyante ng William Academy Highschool. Ngayon ang last day ng finals nila.

Ang mga Fourth year A ay busy sa pagsagot. Napaka tahimik nila, maririnig mo lang ang huni ng mga ibon.

Takot silang mangopya sa katabi. Dahil sobrang strikto ng instructor nila.

Nilalakad ang buong silid ng kwarto nila. Kaya wala 'nga makakakopya sa ganun.

Kahit na hirap na hirap na silang magsolve sa physics at math test nila. Ginagawa nila ang best nila para makuha ang tamang sagot.

Makikita mo talagang nahihirapan sila. Gusto nilang magtanong sa katabi pero hindi nila magawa. Kasi takot silang makita ng instructor nila.

"Last 20 minutes." Biglang saad ng instructor nila.

Nabigla silang lahat sa announce ng instructor nila.

Kaya binilisan nila sa pagsagot. Yung iba naman naghula na lang sa mga hindi nila alam.

Naranasan niyo ba ito?.

Ang sagot?.

Oo naman lahat ng estudyante naranasan ang ganitong sitwasyon. Alam mo yung bad trip na bad trip ka. Kasi kulang ang oras sa pagsagot lalo na kung mahirap yung test.

My Highschool CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon