Chapter 23- Trending

740 27 10
                                    


Nadine Angelica POV

Pati ako kinakabahan dahil sa mga mukha nila talagang kabado.

" K-asi m-ay a-no......" Hindi matuloy - tuloy ni Liza.

" Ano?." Tanong ko.

" Hmmm.. N-a-di-ne, J-a-mes h-uwag k-ayong ma-g-alit ah." Utal na sagot ni Yasmin. Tumango naman silang lahat.

Ano ba talaga ang nangyayari. Bakit nauutal sila?.

" Okay ano ba kasi yan?." Tanong ni James.

" Kasi pare may ganap sa social media." Saad naman ni Dan Angelo.

" Ano nga yun?." Tanong ulit ni James.

Ako nanahimik lang.

"G-usto n-iyo ba-ng mal-am-an?." Kabadong Tanong ni Kath.

Tumango nalang kami bilang sagot namin sa tanong niya.

" Okay." Mahinahong sagot ni Liza.

Elizabeth POV

Medyo kabado pa rin pero kakayanin.

Okay Liza. Inhale. Exhale.

" Ganito kasi yun." Saad ko sakanila. Lalo na kina James and Nadine.

Flashback

Nag announce si Mr. Principal na walang pasok ngayon. Sakto naman tapos na ang first period namin. Pero si Nadine wala pa. Hindi naman nagpapakalate yun ah.

" Yasmin meron ka bang load?." Tanong ko kay Yasmin. Nandito pa rin kami sa room namin kasama namin ang mga HB kaso wala rin si James.

" Ah Oo meron ako." Saad ni Yasmin.

Buti may load to may himala.

" Nako Yasmin ano nakain mo bakit may load ka ngayon?." Tanong ni Kath. Pero alam ko iniinis nanaman neto si Yasmin.

" Alam mo Kath hindi maganda ang umaga ko kaya. Huwag mo sanang sirain lalo." Inis na sagot ni Yasmin.

" Tsss. Sayang  lang ang oras ko sayo. Mas maganda magsurf nalang ako." Saad nalang ni Kath.

"Buti naman naisip mo." Bulong ni Yasmin. Pero dinig ko yun ah. Ewan lang kay Kath.

Bumaling naman sa akin si Yasmin.

" Bakit?." Tanong niya sa akin.

"Itext mo nga kung nasaan na siya at sabihin mo sakanya pumunta siya sa principal office." Saad ko.

" Hay tinext ko na siya kanina pa." Sagot niya.

Buti naman. Ang mga HB naman busy yata sa buhay nila. Kaya nilingunan ko sila.

My Highschool CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon