Chapter 24- Nagkakamabutihan

892 25 5
                                    


Nadine Angelica POV

Natapos na halos ang mga events na gagawin namin this school year pero pinaka focus kami sa first event namin.

" Anong unang gagawin natin sa first project natin?." Tanong ni Yasmin.

May naisip naman ako sa project namin eh. "Guys para maimpluwesyahan natin ang mga kapwa kabataan natin. Kailangan tayong magkaroon ng foundation. Yung tutulong tayo sa mga bahay ampunan. Pero siyempre kailangan natin magkaroon ng pondo." Saad ko sakanila.

"Tama yun. Pero kailangan ang unang pondo ay manggaling muna sa atin." Saad ni James.

Tama kailangan sa amin ang unang pondo. "Pero kahit may nagdodonate na sa atin siyempre gumagastos pa rin tayo. Kasi charity work to." Saad ko sakanila.

Sumang-ayon naman sila sa mga sinabi namin ni James.

"Okay sang-ayon na ang lahat. Kailangan na nating sabihin ito kay Mr. Valdez. Para kapag sumang-ayon na siya kailangan na nating sabihin sa mga representative ng mga bawat year na meron charity ang William Academy. Na pinamumunuan natin." Saad ni James.

"Okay nag settle na tayo. Kailangan na nating gumawa ng mga social accounts pag napapayag natin si Mr. Valdez at gumawa ng mga print shirt. Na nakasulat sa harap ay Charity Group at sa likod ng ay #TKMHSKK at sa ilalim nito ay mga name natin." Pag-suggest ni Yasmin.

Kaya sumang-ayon ako. "Okay lang yung suggest mo at bahala na kung anong kulay ng t-shirt ang gagamitin natin."

"Okay sige. Puntahan na natin si Mr. principal." Saad ni Dan.

Tumayo na kami at pumunta kay Mr. Valdez.

Habang papunta doon mga kasama namin busy sa mga chismisan nila. Kami ni James ay nasa likod lang nila.

"Grabe no parang sila lang ang tao sa mundo." Biglang bulong ni James.

"Oo nga nakakaOP hindi ba magka-away ang mga niyan." Bulong ko din.

"Oo parang nagkakadevelopan na ata sila." Bulong ulit ni James. Napatawa naman sa sinabi niya.

Tumingin sila sa amin. At nagsalita si Liza.  "Share niyo naman ang citchat niyo diyan."

Napailing lang kami. Hay nako pakipot pa sila.

Ilang segundo ang lumipas nakarating kami sa office ng principal.

Kumatok si James. *knock*knock*.

" Come in!." Saad ng nasa loob.

Binuksan naman ni James ang pintuan at pinaunahan niya kong pumasok at pagkatapos siya. Last ang mga kaibigan namin.

Nakita namin si Mr. Principal na nakaupo at busy sa pagbabasa ng mga papeles.

"Mr Valdez?." Patanong na sabi ni James.

"Oh student officers umupo na kayo.  Anong sadya niyo dito, may problema ba?." Tanong ni Mr. Valdez.

Umupo kaming dalawa ni James sa harap ng mesa niya may dalawang upuan kasi doon. At ang mga kaibigan namin nasa side namin nakaupo sa malaking sofa dito.

"Hmm Mr. Valdez nagawa na namin ang mga iilan na events ngayo year na ito. At ang first event natin ay isang charity work." Saad ko. At binigay ang folder kay Mr. Valdez na naglalaman ng mga events namin.

Binasa niya ito at tumingin sa amin. " Maganda ang unang events natin ah. Maganda ang project niyo. May magandang hehemplong mapupulot ang mga kapwa kabataan niyo. So approve sa akin to. Kahit magkano ang gastos aakuin ko." Saad ni Mr. Valdez.

My Highschool CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon