Chapter 3.5: Star POV

107 4 0
                                    

Andito kami ngayon sa paborito naming kainan tuwing tanghali ni Best. Paboritong order namin dito ay ang "Sizzling Pork Sisig! Ang specialty ni Nanay Ruby! Minsan nga may discount pa kami eh, aba syempre dapat lang suki na kaya kami.

"Moon. Okay kalang?''

Tumango naman ito.

"Eh bakit hindi mo ginagalaw yung pagkain mo?''

"Busog pa ko.''

"Busog? Nakakalito ka rin noh! Kanina sabi mo gutom kana, ngayon tuloy na kakain na tayo busog kana?''

Kakalito din ang isang to e.

"Star. Sabihin mo nga sakin kung pano kayo nagkakilala ng lalaking yun.''

"Sino? Si Van?''

"Sino pa nga ba!''

Aba't sigawan ba naman ako.

"Eh bat ganyan ka? Inaano kaba?''

"Hindi mo ba napapansin, sunod sunod silang pumapasok sa buhay natin. Mula kay Amelie mapa kay Van. Parang masyadong mabilis----"

"Alam mo gutom lang yan, kumain nalang nga tayo.''

Napabuntong hininga nalang siya. Ang OA lang ni Bestfriend ha. Masyadong na ata siyang brokenhearted kaya ayan na sobrahang bitter tuloy! Buhay nga naman parang life.

At dahil half day lang kami ngayong araw ay naisipan namin ni Moon gumala. Window shopping lang ba. 

Sa paglalakad lakad namin ay may biglang nahulog na envelope sa sahig. Ay oo nga pala! Yung sulat ni Van. Pero pakialam ko ba dun? Pero bayaan na nga nageffort din naman siya. Malay natin ginawan pala niya ko ng nobela.

Pinulot ko nga ito at kaagad na binuklat.

"Dear MatamisPuso, alam ko kung gaano kabaduy tong ginagawa ko pero hindi ko talaga mapigilan ang puso kong patay na patay sayo. Humihingi sana ako ng aprobado sa gagawin kung panliligaw sayo. Sana payagan mo ko. Magkita tayo bukas ng hapon pagkatapos ng klase mo sa Lobby doon sa lugar na yun, hihintayin ko ang sagot mo. -Nagmamahal Van Jaspher Erbium. <3''

Kailangan talaga magtagalog ng bongga? Atsaka anong matamispuso? Ano bang English nun?

"HOY!''

"Ay matamis!"

"Huh? Aling matamis?"

"Bakit ka ba kasi sumisigaw diyan? Nagulat tuloy ako."

"Eh kanina pa kasi ako talak ng talak dito, eh hindi ka naman pala nakikinig. Ano ba yang binabasa mo? Patingin nga."

Silip nito sa papel na hawak ko.

"Ah wala to!! Bill lang namin sa kuryente!''

"Eh bakit may puso?''

"Wala akong magawa kanina eh, ayan napagdiskitahan kung sulatan.''

"Eh bakit puso pa ang naisipan mong idrawing?''

Bakit ba ang dami niyang tanong?!

"Yan ang madaling idrawing na shape eh.''

"Weh? Bilog kaya. Inlove ka ata Bestfriend eh!''

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon