Chapter 12.5: VAN POV

69 3 0
                                    

It is when everything's not okay and hurting, but still you want the same person over and over again. Hindi ko inakala na sa aking pagbabalik ito ang madadatnan ko. Dito na siguro magtatapos ang lahat. Except sa pagmamahal ko kay Star. That was never ending!

"Van?Umiiyak ka ba?"

Naupo naman ito sa aking tabi.

"Anong nangyari? Nakapagusap ba kayo? Anong sabi sayo ni Star? Okay na ba kayo?"

Tahimik lang akong umiling. Tama si Amelie, wala na nga siguro akong babalikan pa.

"Ayan na nga ba yung sinasabi ko sayo eh. Na marami ng nagbago."

Napatitig naman ako sakanya.

"But if they loved each other, eventually they will find their way back."

Napabuntong hininga lang ito.

"Ano ba ang pagmamahal? Yung bang kinalimutan ka na nga, umaasa ka pa? Yun ba Van?"

Yun nga ba? Hindi ko rin alam.

"Jas? What's happening here?"

Sabay takbo nito palapit sa akin na naging dahilan upang magsihulog ang dala nitong prutas.

"What's wrong Jas?"

Mapait lang akong ngumiti sakanya. Napakalaki ng utang loob ko sa babaeng ito.

"Sige, maiwan ko muna kayo."

Sabay tayo ni Amelie at tinungo ang kusina.

"Brooke. Okay lang ako. Wala ka dapat ipagaalala."

Sabay hawak ko sa kamay niyang nanginginig sa kaba.

"Eh san ka ba kasi galing kanina?"

"May importanteng lang akong pinutahan. Ano nga pala yung dala mo?"

Pagiiba ko ng topic.

"Indian Mango. Galing kila Hansun. Gusto mo ipagbalat kita? Sandali lang ha, dito ka lang."

Tatayo na sana ito ng higitin ko ang kamay niya.

"Maraming salamat Brooke."

Masigla naman ako nitong nginitian.

KINABUKASAN.

Naisipan naming mamasyal ni Brooke. A simple date kumbaga. Kawawa naman kasi, parang batang nagmamaktol na parati nalang daw siya nakakulong sa bahay. Eh kahit naman papano ayokong makita siyang malungkot.

"Jas. Look oh! Bagay sayo yung sumbrero. Try mo na dali!"

Excited na sabi nito.

"Hindi naman ako nagsusuot ng sumbrero Brooke."

Hanggang ngayon, Jas parin ang pagkakilala niya sa akin.

"Sige na suot mo na! Ang cute kaya. Promise, kakain na ko ng marami! Hindi na ko magdidiet. Kaya sige na wear these! Please!"

Para matapos na ang usapan ay isinuot ko na nga ito.

"Kahit kailan ang gwapo talaga ng boyfriend ko!"

Sabay pisil niya sa aking pisngi. Ang kulit lang.

"Diba yun yung Romantic Boy sa Gym?"

"Oo nga! Sino kaya yang kasama niya? Ang dami naman ata niyang kabit!"

"Sino kaya dun sa dalawa ang The Legal Wife?"

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon