Chapter 13.5: Star POV

65 3 0
                                    

Bakit kaya kanina pang umaga may iba sa kinikilos ni Bestfriend? Hindi kaya may inililihim ito sa akin? Malay natin lumalovelife na pala. O kaya naman sumali pala siya sa isang Fraternity. Jusko po! Huwag naman sanang mangyari yun. Ganun pa naman yung nangyayari sa mga napapanuod kong movie. Pagkatapos ng klase ay palihim ko nga siyang sinundan. Mukhang magagamit ko ang expertise ko sa Tagu-Taguan nito.

"Star, bakit nandito ka?!"

Gulat itong napalingon sa direksyon ko.

"Masama na bang magkape?"

Kahit kailan talaga ang kuripot ng lalaking to, magkakape lang pala hindi pa ko ilibre!

"Hindi naman. Nakakagulat ka kasi!"

Bigla naman itong namutla pagkasabi niya nun.

"Ba't ka naman magugulat? Depende nalang kung may itinatago ka sakin."

Walang paligoy-ligoy na sabi ko. Mas mabuting magkaalaman na.

"Mas mabuti pa umuwi nalang tayo. Tara."

Hinila na nga niya ako palabas. Napabitaw nalang ako ng bigla siyang bumagsak sa sahig.

"Moon!"

Tawag ko sakanya saka inalalayan itong patayo. Malay natin, magbago ang ihip ng hangin at maisipang ilibre ang matulungin niyang Bestfriend. Liningon ko naman ang taong gumawa nun sakanya. Halos nanlaki ang mata ng ito'y aking nakita.

"Akala ko ba malinaw ang usapan natin Antimony? Pinapaalagaan at pinababantayan ko sayo si Star! Hindi ko sinabing landiin mo siya at gawing karelasyon!"

Napaatras naman ako ng ikuyom ni Van ang kamay nito. Problema ba ng lalaking to?

"Si Moon ang puno't dulong dahilan ng pagkakahiwalay natin, Star."

Napatingin naman ako sa katabi kong tahimik lang na nakayuko.

"Moon, Totoo ba ang sinasabi niya? Totoo ba?!"

Yugyug ko dito. Please, Moon. Sumagot ka.

"See! Hindi niya magawang sagutin ang tanong mo. Ibig sabihin lang nun ay guilty siya at totoo ang mga sinasabi ko. Siya ang may kasalanan ng lahat, Star. Si Moon ang pinagkatiwalaan mong Be---."

"Tama na pwede!"

Nainis ako sa pagsisisi at pagsumbat niya ng lahat kay Moon.

"Kung alam mo lang Star, seeing you smile hurts me a lot because I know I wasn't the one caused that smile."

Garalgal na wika nito. Ayoko ng ganito!

Tumalikod na ko at tumakbo palabas ng Shop.

"STAR!"

Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa matigas na katawan ng hindi ko kilalang lalaki.

"May balak ka bang magpakamatay? Muntikan kana dun ha!"

Napaangat naman ang ulo ko sa taong pinangagalingan ng boses.

"Hansun!"

Agad ko naman itong yinakap. Pakiramdam ko para akong batang nagsusumbong sa Ama niya.

"Gusto mo bang ihatid na kita pauwi sainyo?"

Wala sa sariling umiling ako sakanya. Ayokong makita ako nila Mama at Benj sa ganitong sitwasyon.

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon