Chapter 11.5: Van POV

81 4 0
                                    

Salamat sa pagADD ng story ko sa Reading List mo. :)

"Van, you need to rest. Mamayang 4 am pa ang landing point natin sa Pinas. Baka mabinat ka sa ginagawa mong yan. Ayaw mo naman sigurong mag-alala ulit si Mommy?"

Tama kayo, nakalabas na po ang Pinakagwapong Pasyente sa Hospital. Laking pasasalamat ko na naging Successful ang ginawang Heart Transplant Operation sa akin.

"Excited na ako, Amelie. Excited na akong makita at makasama ang Sweetheart ko."

Oh my Dearest Star. Do you miss me as much as I miss you? Do you even miss me at all? I can't help but wonder, Sweetheart.

"Tingin mo may babalikan ka pa?"

"Anong ibig mo sabihin?"

She just shrugged.

"101% Sure akong may babalikan ako. Isang rason kung bakit hindi bumitaw ang Prinsepeng si Van Jaspher ay dahil hindi bumitaw ang Prinsesa nitong si Starlene Bismuth."

After 278937464 ay Home Sweet Home na kami. Nagpahinga muna ako ng ilang sandali at pagsapit ng ala-sais ay inihanda ko na ang aking sarili. Buti nalang kamo memorize ko pa ang schedule ni Sweetheart kaya't alam kong 7 o'clock ang unang klase nito.

"Van, Take good care of your heart. Alam mo na, kalalabas mo lang sa Hospital. Baka kung anong mangyaring masama sayo. Under Recovery ka pa naman."

"Hay ang sweet talaga ng Ate ko!"

Sabay gulo ko sa kakaplantsa lang nitong buhok.

"Huwag mo nga akong matawag tawag na Ate. Magkaedad lang naman tayo! Bwisit lang eh, nakakatanda!"

"Oo na. Sige na Babye, Grandma!"

********

Pagkapasok ko palang ng Nobelium University ay nagsibalikan lahat ng masasayang alaala ko kasama si Star. Mula nung paghatid sundo ko sakanya araw gabi.

Ang HHWW namin sa koridor.

At higit salahat ang lambingan at kulitan naming dalawa.

Awtomatiko namang napahinto ang aking paa ng masilayan ko ang tinutukoy kong babae kanina.

Lalapitan ko na sana ito ng makita ko ang Bestfriend nitong si Moon na may hawak na bulaklak at iniabot sakanya.

Ewan ko ba pero parang nanikip ang dibdib ko ng makita ko itong nagyakapan.

Naaalala ko tuloy yung sinabi ni Amelie. May babalikan pa nga ba ako?

Lumipas ang oras at namalayan kong nakatulog pala ako sa ilalim ng puno ng Mini Park ng University. Napagpasyahan ko kasing dumiretso na lang dito kanina.

Tatayo na sana ako ng may nahagip ang nagkikislapang kong mata.

Sa lakas ng tibok mayroon ang puso ko alam ko na kung sino ang taong ito.

Dahan dahan akong lumapit sa bench nitong kinauupuan.

Alam kong hindi niya napansin ang aking presensya sa kadahilanan na seryoso itong nakatitig sa papel na hawak niya.

"Miss, Anong oras na?"

Bakit para atang bumilis ang tibok ng puso ko? Malala na to.

"Tatanungin mo ko kung anong oras na. Tapos sunod mong tatanungin yung pangalan ko. Tapos magiging magkaibigan tayo. Tapos hihingin mo yung number ko. Tapos textmate na rin tayo. Tapos aayain mo akong magdate. Tapos tatanungin mo ko kung pwede bang manligaw. Edi siyempre magpapakipot muna ako. Tapos ilang days lang ay sinagot na kita. Tapos tayo na. May celebration pa tayo ng Monthsary. Kasunod ng ilang linggo mag-aaway tayo. Kapag hindi natin naayos magbrebreak tayo. Pagkatapos nun hihingi ka ng second chance. Pero dahil matalino ako, tingin mo bibigyan kita? Patanong tanong ka pa ng oras diyan isa lang naman ang gusto mo! Style mo bulok! And FYI, mukha ba akong orasan?"

Tuloy tuloy na sabi niya habang hindi parin nakatingin sa akin.

"Hindi. Mukha kang future wife ko."

Parehong gulat ang naging ekspresyon namin ng lumingon ito sa akin at magkatinginan kami.

"Happy Valentines Day, Sweetheart."

Ngiti ko ng malapad sakanya.

"WAAAAAAAAAAAAHAAAAAAAAHHHHHHHH!!!! PATAY KA NA BA VAN? DIYOS KO, MINUMULTO NA HO BA AKO NG POGING NILALANG NA ITO? HINDI KO PA NAMAN MEMORIZE ANG APOSTLES CREED! HUHUHUHU! MASYADO PA PO AKONG BATA PARA MAPUNTA SA HEAVEN. MADAMI PA PO AKONG PANGARAP! PAPAGARALIN KO PA ANG KAPATID KO, PUPUNTA PA KO SA CONCERT NG MAROON 5. HINDI TO PWEDENG MANGYARI! MASISIRA ANG MAGANDANG KINABUKASAN KO!"

Habang busy ito magover react ay nagkaoras akong ilabas ang ginawa kong Black Forest Cake para sakanya. Buti nalang malaki ang Bag na dala ko.

"Para sayo Sweetheart."

Nabigla nalang ako sa sunod nitong ginawa. Itapon ba naman sa flawless face ko ang cake! Anong akala niya sakin Garbage Can?

"Sweetheart your face!"

Aalis na sana ito ng may narinig kaming pamilyar na boses na galing sa aming likuran.

"STAR! Kanina pa kita hinahanap. Andito ka lang pala."

Hinihingal na sabi ni Moon.

"VAAAAAAN?!!!"

Shocked was plastered on his face.

"JASPHER?!!!!"

Napayakap naman ito sa akin.

"Brooke? Teka, Anong ginagawa mo dito?"

Akala ko ba nasa States siya?

"Ikaw ang dapat kung tanungin niyan. What are you doing here? Is this one of your Valentine's Surprise Gift, Jas?"

Sabay pinch nito sa aking ilong.

"Magkakilala kayo?!"

Chorus na sabi ni Star at Moon.

"Actually Star, Siya yung tinutukoy ko sayo sa States. Yung humingi ako ng advice sayo."

Kelan pa naging Adviser si Star? At anong advice ang pinagsasabi niya? At anong ginawa niya sa States? Sinubukan ba niya kong sundan?

"Ah siya pala si Jaspher. Bagay kayo, Brooke. Bagay na Bagay. Sige mauna na kami. May pasok pa kasi kami. Tara na Moon."

Susundan ko na sana ito ng higitin ni Brooke ang aking braso.

"Sagutin mo nga ako, Van Jaspher Erbium. Akala ko ba Under Recovery ka pa? Anong ginagawa mo dito? And what happened to your face? Sinong walang hiya ang gumawa niyan sayo? So gross ha! At, bakit magkasama kayo ni Starlene?"

"Can we please have our lunch first, Brooke?"

A/N: THE COMEBACK lang ang PEG. Actually, papatayin ko na sana ang gwapong nilalang na ito. Ang kaso ayoko namang paiyakin ang 'Nag-Iisang Fan Girl' niya. Haha! Konsensya ko lang!

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon