Chapter 9.5: Star POV

82 4 0
                                    

Yow. Jammy. Dedicated tong chapter para sayo. Haha.Salamat sa pagbabasa at moral support. Hahahaha. Love you! :*

"It's good to be back!"

Sabay higa ko sa kama. Oh La la. How I miss my bed!

"ATE STAR!!! HINDI NAMAN KASYA TONG T-SHIRT NA BINILI MO EH! XL AKO! HINDI LARGE!"

Ibinato nga nito sa akin ang pasalubong ko sakanya.

"Edi magdiet ka for 1 week, problema na yan?!"

"Tingin mo magagawa yan ng kapatid mo kung ngayon palang itinago na niya sa cabinet niya ang mga pasalubong mong chocolates?"

Napailing nalang ako.

"Hay Ate mas maganda sigurong magkwento ka na lang sa nangyari sanyo ni Kuya Moon doon sa States. Nakapaghoneymoon ba kayo?! Naka Home-Run ba si---Aray!"

"Kung anong lumalabas sa bibig mo Benjamin! Tara na dun sa baba, at magpapahinga pa yang Ate Star mo."

"Basta Ate mamaya ha! Share mo sakin!"

Hinila na nga ni mama si Benjy.

Bzzzzzt. Bzzzt.

-Bestfriend, Nakamoved-on ka na rin naman sakanya, hindi ba?-

Simula pa kagabi ang tanong na to ni Moon ha. Nakakapagtataka lang.

"Mapa-States at pagbalik dito sa Pinas, yan parin ang itatanong mo sakin? Gaano ba kaimportante ang sagot ko sa tanong mong yan?"

-Sagutin mo nalang please.-

At para matapos na to.

"Have I moved on? Yes, do I still care about him? Always."

Hindi na nga ito nagreply. Mukhang kumbinsido na rin naman siya sa sagot ko. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay kalimutan ang lahat, at magpahinga. Antok na antok pa ang kaluluwa ko!

KINAUMAGAHAN.

Back to Nobelium Univesity nanaman ang peg namin ni Moon ngayon.

"Applepie! Welcome back!"

Sabay salubong niya ng mahigpit na yakap.

"Hindi mo naman ako sobrang namiss niyan, Sun?"

Kumawala na nga ito sa akin.

"Pasalubong ko."

Sabay lahad niya ng kamay.

"Ay nakalimutan ko! Sorry Hansun."

"Ayos lang Applepie.Ikaw lang sapat na!"

Sabay kindat nito.

"Wala ka parin pinagbago. Mamaya ko nalang uwian ibibigay sayo."

Nagthumbsup naman ito.

"Hoy! Hoy! Hoy! Hansun! Lumayo layo ka nga ki Star. Nahahawaan ang Bestfriend ko ng kapangitan at kalandian mong dala eh!"

"Nagsalita ang ubod ng pangit!"

Inawat ko na nga ang dalawa.

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon