Chapter 12.5: Star POV

75 5 0
                                    

"Sige Star ipatong mo nalang yan diyan."

Inilipag ko na nga ang sandamakmak na Clearbook sa ibabaw ng lamesa nita. Ewan ko ba, ang daming Gentleman Gays sa Room, ako pa ang naisipang utusan nitong si Prof.

"Sige Sir. Happy Valentine's Day po!"

Palabas na sana ako ng magsalita ito.

"Sandali Star, gusto mo bang bumunot dito? All about Love ang mga Quotes na nakasulat dito. Pwedeng pang-GM o kaya pangpost mo sa Facebook or Twitter. Applicable din siyang picturan at ipost sa Instagram."

Napaghahalataang Techy si Sir! Haha!

"Sige po."

Pagkatapos kong bumunot sa fishbowl ay nagpaalam na rin akong umalis. At dahil tinatamad na akong bumalik pa ng classroom ay naisipan ko nalang munang tumambay sa Mini Garden ng University. Pagkaupo ko sa bench ay inumpisahan ko ngang tanggalin sa pagkakatiklup ang nabunot kong papel.

-Kapag masaya ka bago pa siya dumating, pwede ka pa din maging masaya kahit ito'y umalis.-

Unang una pasalamat ako at Tagalog ang nabunot ko. Ang hirap naman kasing magreflect kung English ang language! Pangalawa, tinamaan ata ako sa nakasulat dito.

Tama nga naman. Bakit ka magtiyatiyagang maging malungkot sa taong nangiwan sayo? Sino ba siya sa akala niya? Hawak ba niya ang Kasiyahan mo? Ayon nga dun sa nabasa kong poem na entitled 'Are you happy?' Ang happiness daw mismo ay naguumpisa sa sarili at hindi sa iba.

Nariyan naman yung mga taong nauna at nagpasaya sayo. Kapareho lang to nung mga taong nagsasabing hindi daw nila kayang mabuhay kapag nawala ang taong mahal nila.

Anak ng Dyesebel, Ilang taon ka bang nabuhay bago pa ito dumating? Atsaka, mabubuhay ka naman talaga kung hihinga ka!

Pangatlo, kaya ako nakakarelate sa Quote na to ay dahil naranasan ko ng iwanan ng taong mahal ko. Ang taong nagbigay saya sa buhay ko. Ang taong itinuring ko na magpapaligaya lang sa akin. Datapwa't nagkamali ako dun.

And maybe this is the right time na dapat na akong mag-move on. I suppose in the end, the whole of life becomes an act of letting go.

So today is February 14,20**, 11:56 in the morning, I bid my Goodbye to you, Van Jaspher Erbium.

"Miss, Anong oras na?"

Nasa 3 out of 10 palang yung speech ko may istobo na kaagad!

"Tatanungin mo ko kung anong oras na. Tapos sunod mong tatanungin yung pangalan ko. Tapos magiging magkaibigan tayo. Tapos hihingin mo yung number ko. Tapos textmate na rin tayo. Tapos aayain mo akong magdate. Tapos tatanungin mo ko kung pwede bang manligaw. Edi siyempre magpapakipot muna ako. Tapos ilang days lang ay sinagot na kita. Tapos tayo na. May celebration pa tayo ng Monthsary. Kasunod ng ilang linggo mag-aaway tayo. Kapag hindi natin naayos magbrebreak tayo. Pagkatapos nun hihingi ka ng second chance. Pero dahil matalino ako, tingin mo bibigyan kita? Patanong tanong ka pa ng oras diyan isa lang naman ang gusto mo! Style mo bulok! And FYI, mukha ba akong orasan?"

Just focus on the paper, Star. Huwag mo siyang titingnan. Ayaw mo naman sigurong makapatay ng tao ng wala sa oras.

"Hindi. Mukha kang future wife ko."

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon