Chapter 11.5: Moon POV

77 4 0
                                    

One of the worst things in the world is when someone makes you feel that there's a chance, when in fact there is NONE. Paasang buhay to oh! Tara, Laslas!

Pero tama nga ba tong ginagawa ko? Na itinapon ko lang ng basta basta ang pagkakaibigan namin ni Star. Na alam ko na kahit ano pang gawin ko, si Van parin ang mananatiling laman ng puso't isipan niya.

"Kuya Moon, Bibilhin mo pa ba tong bulaklak?"

Kinuha ko nga ito sa kamay ni Benj at binayaran.

"Salamat Bayaw!"

Ngayon ay Araw ng mga Puso at naisipan kong bigyan ng Bulaklak si Star. Maybe for Peace offering? Or Suitor's Obligation?

"Star!"

Habol ko sakanya bago ito makapasok ng room.

"F...Flowers for you."

Napangiti naman ako ng tinggap niya.

"Ang ganda naman nito Bestfriend. Salamat ha. Teka, kumusta kana? May masakita pa ba sayo? Akala ko ba Friday pa ang labas mo? Baka mapano ka niyan. Nak--."

Hindi napigilan ng sarili ko na yakapin siya.

"Maybe a hug could make me feel better."

Naramdaman ko nalang ang pamamasa ng aking balikat.

"Teka Star, umiiyak ka ba?"

"Hindi. Namiss ko lang ang Bestfriend ko. Happy Valentines Day, Moon."

Magsasalita pa sana ako ng may EPAL na dumating.

"Hoy! Antimony! Anong ginawa mo sa Applepie ko? Bakit ka nagpapaiyak ng bababe? Feeling mo gwapo ka? Suntukan nalang tayo oh. Ano ha!"

Sabay tulak ni Hansun sa akin. Kung makaasta to, feeling boyfriend!

"Applepie. Para nga pala sayo. Chocolates. Mamili ka nalang diyan, para sayo lang naman ang lahat ng yan. May Toblerone diyan, Kitkat, Kisses, Hersheys, MnMs, Safari, Creamstick, Honey, Mikmik, Chub--."

Pinisil naman ni Star ang pisngi nito.

"Naku Salamat dito Hansun, Napakasweet mo talaga! Sandali lang ha, ilalagay ko lang to sa locker. Maiwan ko muna kayo."

Papasok na sana ako ng room ng higitin ng walang hiya ang braso ko. Kaasar!

"Alam mo Buwan, huwag mo ngang ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw sayo. Dahil unang-una, hindi nadidiktahan ang puso. Pangalawa, umaasa ka sa mga bagay na napaka-malabong mangyari. Kaya kung pwede, tigilan mo na si Star. Maghanap ka ng ibang bababe...yung nababagay sa katangahan at kasinungalinan mo! Intiendes?!"

Ang kapal talaga ng mukha ng unggoy na to! Ano bang alam niya?

"Sunny, I hate you na talaga! Hindi mo man lang ako nagawang hintayin! How dare you to do that to your beautiful cousin! I hate you so much na talaga! You're so GRR."

Napalingon naman ito sa akin.

"HEY! Ikaw yung Boyfriend ni Starlene, Diba? Remember me, Brooke Rutherfordium in G.U?"

Anong ginagawa ng Kano na to dito?

"Correction Brooke, Bestfriend ni Star. Bestfriend Forever."

Sabay smirk ng unggoy sakin.

"Tara na Brooke."

Namumuro na talaga ang Hansun na to sakin! Nahiya naman ako sa pagiging Stalker Forever niya! Pwe!

Pagkatapos ng klase ay hinanap ko kaagad si Star. Inutusan kasi ito kanina ni Sir. At sa aking pagmamadali ay may nabunggo ako.

"Naku Miss, Sorry."

Sabay alalay ko dito patayo.

"No, It's okay. Hindi rin naman kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko. Sorry din nga pala."

Sambit nito habang pinapagpagan ang palda niya.

"Brooke?"

Napatungo naman ito sa akin.

"Finally, you recognized me...You're Moon, Right? Happy Valentines Day, Moon!"

Walang dudang pinsan niya ang Hansun na yun. Parehong FC.

"Happy Valentines Day din. Ano nga palang ginagawa mo dito si Pinas?"

"I came to visit someone. Where's your girlfriend anyway?"

Natawa naman ko sa sinabi niya.

"Sakatunayan Brooke, hinahanap ko ang Girlfriend ko. Nakita mo ba?"

Giit ko.

"Nope. Siguro you two have a date!? Gusto mo bang samahan kitang hanapin siya?"

Tumango naman ako.

"Edi ba, Brooke, Valentine's Day ngayon, Wala kabang date? Yung boyfriend mo?"

Tanong ko sakanya habang kami'y naglalakad.

"Actually, He's in States."

Bakas sa mukha nito ang lungkot.

"Ikaw naman kasi! Iniwan mo. Bahala ka maghahanap yun dun ng iba!"

"Hindi naman siguro. And besides, sa mga iniwang advice sa akin ni Starlene noon, ay narealize kong dapat ipaglaban ko ang nararamdaman ko para sakanya. Na dapat hindi ko na siya pakawalan pa. At hayaang mapunta sa iba."

Tumahimik nalang ako bilang tugon. Baka kasi kung saan pang drama mapunta ang usapan. Infareness, magaling na siya magtagalog. Ipinagpatuloy na lang namin ang paghahanap ki Star este sa Girlfriend ko.

PAALALA NG BUWAN: Walang basagan ng trip.

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon