Chapter 7.5: Moon POV(Part2)

104 4 2
                                    

Dedicated sa nagsulat ng The XL Beauty. Nainspire kasi ako magupdate dahil sa kafunnyhan ng works niya! Hihihi. Hello Pretty Author! :)

"Starlene Jamaica Bismuth! Ubos na ang pasensya ko sayo. Bumangon ka na diyan kung ayaw mong buhusan kita ng kumukulong tubig! Isa.Dalawa.Tat---."

Dali dali naman akong humarang sa harapan ni Tita. Halata kasing seryoso ito sa gagawin niya ki Star. Nakahanda na kasi sa kamay nito ang heater.

"Tita. Kalma lang! Ako na hong bahala ki Star. Keribels ko na po to."

I gave her a reassuring smile.Tumango lang ito at lumabas na. Ano bang gagawin ko sa babaeng ito?!

"Bestfriend. Two weeks ka ng hindi pumapasok. Ayaw mo naman sigurong madrop ka sa klase. Atsaka malapit na ang March oh! Patapos na ang school year. Gagraduate na tayo. Ngayon ka pa ba tatamarin?"

Bumangon nga ito at nagindian seat sa harapan ko. Juice ko! Sa itsura palang niya mukhang daig pa nito ang namatayan!

"For everyday, I miss him...For every hour, I need him....For every minute, I feel him. For every second, I want him....Forever I love him."

"Wooaaaah Star! Marunong ka palang tumula."

Tuluyan na ngang nagunahan bumagsak ang luha nito sa kanyang mata.

Ayoko ng ganito. Ayokong nakikita si Star sa ganitong sitwasyon. Awtomatiko namang napayakap ako sakanya.

"Star. Hanggang kailan ka pa ba magmumukmok dito? Hindi ka ba nagsasawa sa ambiance mo? Ang dumi at ang alikabok na dito sa kwarto mo o! At...ang baho mo na rin! Kakaturn-off."

Sabay tayo ko at kuha ko walis tambo at dustpan sa cabinet. Sinimulan ko namang walisin ang dose-dosenang tissueng nagkalat sa sahig. Nung liningon ko naman ito ay napansin kong nakatitig lang pala siya sa akin. Spell Awkward!

"Iiwan mo rin ba ko Moon?"

Hah?

"Aba siyempre oo! Kailangan kong pumasok sa school. May long test kaya tayo!Anong kala mo sakin babantayan kita dito 24/7? Mahiya ka naman Star! Be independent! Malaki kana."

Napailing lang ito at bahagyang tumawa.

"Slow poke!"

Tumayo na nga ito at pumasok sa banyo.

"Hep hep! Anong gagawin mo? Pacheck nga niyang laman ng bulsa mo. Baka mamaya may tinatago ka pala diyang kutsilyo. Balak mo pa ata sa cr maglaslas!"

Binatukan naman niya ko.

"Papasok ako. Sasama ako sayo. Sayang yung long test diba? At ayoko namang mawalan ka ng cheatmate. Kawawa ka naman baka makakuha ka pa ng Zero. Konsensya ko pa!"

Natawa lang ito at sinarado ang pintuan ng CR. One step at a time lang Star makakamove-on ka rin ki Van. Sinisigurado ko yan. Pagkatapos kong linisan ang kwarto niya ay bumaba na rin ako. Sa salas ko nalang siya hihintayin.

"Moon? Andito ka pa rin pala. Akala ko pumasok kana?Baka malate ka pa niyan sa klase mo."

"Hinihintay ko po kasi si Star. Sabay daw ho kaming papasok."

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon