Chapter 6.5: Star POV

98 4 0
                                    

Pagkatapos naming magusap ni Van, ay nagbihis na ko kaagad. Bakit kaya ang seryoso ng boses niya kanina? May problema kaya siya?

Ilang sandali din ay narinig ko na ang paghinto ng sasakyan ni Van sa labas. Bumaba na ako at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. Namiss ko kasi talaga siya eh. Puro text at tawag nalang kami.

"Mawawalan na ata ako ng hininga sa higpit ng yakap mo!''

Tukso nito.

"Siraaaaa!! San ba tayo pupunta? ''

"Sa langit. ''

"Vaaaaaaaannn!''

"Biro lang! Sakay na. ''

At pinagbuksan na nga niya ko ng kotse at muli na itong pinaandar.

"Van, alam mo bang ilang oras nalang ay pasko na! ''

"Oo nga eh. Ambilis lang ng panahon at oras.''

Nabahiran naman ng lungkot ang mukha nito.

"Ayos kalang ba Van?''

Napatango lang ito.

"Alam mo pwede mo namang sabihin sakin ang---.''

"San mo gusto pumunta? ''

Pagiiba niya ng topic.

"Kahit saan naman eh, basta kasama kita. ''

"Pero hindi lahat ng araw, oras, taon ay magkakasama tayo.''

Makahulugan nitong sabi.

"Anong ibig mong sabihin?''

Umiling lang ito.

Alas otso narin ng gabi ng makarating kami sa isang Resort. May beach din sa harap nun. Kitang kita nga dito ang nagkikislapang bituin at mga christmas light.

"Tara, lakad lakad tayo.''

Inilahad niya nga ang kanyang kanang kamay at hinila ako patungo sa Beach.

"WOWWWW!''

Ito nalang ang lumabas sa aking bibig matapos kung makita ang view ng siyudad dito. Meron palang lugar na ganito. Kaso malayo nga lang, kaya ilang oras din kaming nakaupo sa biyahe.

"Ako ang may-ari ng Beach na to.''

"Weh?''

"Oo nga. Pinamana sakin ng yumao kong Lolo. Paborito kasi ako nun! Good boy daw kasi ako."

"Sus! Baka sipsip!''

Naupo nga kami sa buhangin.

"Alam mo ba sabi ko noon, pag ako nagkaasawa dito gaganapin ang wedding namin. Dito rin kami maghohoneymoon. Napakarelaxing kasi ng lugar na to. At alam mo ba kung sino ang babae na iniisip ko ng panahong yun.''

"Sino?''

"Edi ang babaeng nasa harapan ko....ngayon.''

Napakislot naman ako sa sinabi niya.

"Star, ito na ata ang pinakamaligayang araw ko.''

"Bakit naman?''

"Eh kasi kasama ko ang pinakamamahal kong babae sa mundo, at kuntento na ko kahit di mangyari ang pangarap kong makasal kami sa lugar na to. Okay na saking, magkasama kaming pinagmamasdan ng mga bituin sa taas at dalhin siya sa lugar na pinakaespesyal sa buhay ko.''

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon