Chapter 8.5:Star POV

93 4 0
                                    

Ang sarap na sana ng tulog ko ng may narinig akong ingay na nanggagaling sa labas ng aking kwarto.

"Hoy tulo laway!!! Gumising kana diyan! Malelate na tayo! Bilis."

Bulyaw ng halimaw kong Bestfriend. Tiningnan ko naman ang alarm clock na nasa tabi ko. Pasadong alas otso na pala! Dali dali akong dumiretso sa banyo at naligo.

"Good morning Maganda kong Anak."

Bati sakin ni Mama. At dahil nga nagmamadali ako ay nginitian ko lang siya. Nakita ko naman si Bakulaw na mukhang naiinip na sa loob ng mamahaling sasakyan.

"Kelan ka pa nagkakotse?"

Tanong ko sakanya pagkaupo ko sa tabi nito.

"Last New Year's eve. Regalo nung stepdad ko."

Sabay start niya ng engine saka pinaandar.

"Mukhang asensado ka na Bestfriend! Pautang naman diyan oh! Haha! May pa stepdad stepdad ka pa diyang nalalaman! Totyal."

Napailing lang ito.

"Nga pala Star, wala ka bang naalala?"

Nanlaki naman ang mata ko!

"Nagkaamnesia ba ko!?"

Sabay yugyug ko sakanya.

"Yan ba ang epekto ng kulang sa tulog? Hays. Mas mabuti sigurong matulog ka muna, at gigisingin nalang kita kapag malapit na tayo."

I just nod.

After 1526839 ay iminulat ko na nga aking mata. Teka asan na yung katabi ko? 

Hindi ko na nagawang tingnan pa ang paligid ng buksan ko ang pintuan ng kotse.

"HAPPY BIRTHDAY STAR!!!!!"

Kasabay nito ang pagputok ng party popper sa aking harapan. Inilibot ko rin ang aking paningin sa mga taong naririto at bumati sakin. Teka nga! Akala ko ba nagdrive si Moon papuntang University eh bakit nandito parin ako sa harapan ng bahay?

Napansin ko namang nasa may pintuan sila Mama at Benj. Kasama din nila ang aming mga relatives atsaka matatalik kong kaibigan. Andito rin ang mga walang hiya naming mga kapitbahay!

Napangiti naman ako ng mapansin ko ang suot nilang party hats. Napapaligiran rin ang aming bakuran ng mga nakasabit na baloons, floating bubbles, at mga paborito kong pagkain na nakapwesto sa isang malaking mesa. Parang children's party lang siya kung titingnan.

"January 21 nga ba talaga ngayon?As in birthday ko!?"

Hindi parin kasi ako makapaniwala. Ang akala ko talaga may pasok kami.

"Grabe ka naman Ate! Nabrokenhearted kalang pati petsa sa kalendaryo nakalimutan mo na!?"

Siniko naman ito ni Mama.

"Osya! Kainan na!"

Sigaw ng isang walang hiya naming kapitbahay. Napansin ko naman ang pagkawala ng presensya ni Moon. Siya ba ang nagplano ng lahat ng to? 

"Happy Birthday Bestfriend."

Nagulantang nalang ako ng may bumulong sa aking likuran. Mas lalo namang lumapad ang aking ngiti ng ito'y aking nasilayan.

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon